Niloko tapos magtitiwala ulit?
Batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), apat sa sampung Pinoy ang naniniwalang maibabalik pa ang tiwala matapos ang pagtataksil o panloloko sa isang relasyon.
Sa isinapublikong resulta ng survey kamakailan, lumabas na 43% sa mga Pinoy ang naniniwalang maibabalik pa ang tiwala, habang 36% naman ang hindi sumang-ayon.
Bukod dito, 27% sa mga respondent naman ang nakaranas o naka-witness ng iba't ibang uri ng cheating sa isang relasyon, at 72% naman ang hindi pa nakaranas.
Kabilang sa mga nakaranas ng panloloko, 11% ang nakaranas ng physical cheating, tulad ng pagsasagawa ng sexual or intimate activities sa ibang tao habang nasa loob ng relasyon, habang 11% ang nakaranas ng emotional cheating, tulad ng pagsasabi ng mga personal na problema sa isang tao maliban sa karelasyon o pagbuo ng romantic feelings sa ibang tao na walang physical relationship.
Ang iba pang uri ng panloloko o pagtataksil ay ang cybercheating (6%), kung saan sikretong nakikipag-usap sa ibang tao na hindi alam ng partner, at object cheating (6%), ito naman ang pagbibigay ng sobrang atensyon sa mga games, mobile phones, at iba pang materyal na bagay.
Nabanggit din ang tungkol sa financial cheating (5%), ito naman ang pagtatago ng mga luho o utang mula sa partner, at micro-cheating (4%), ang ibig sabihin ay pagtawag ng “baby,” “honey,” or “love” sa ibang tao.
Ang mga naiulat na nakaranas ng alawa o higit pang mga uri ng panloloko ay nasa ilalim ng combied cheating na may 8%.