Tahasang ibinunyag ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na mag-isa niyang ipagdiriwang ang “Valentines Day” ngayong 2026.
Matapos dumalo sa ika-81 kaarawan ng co-star niya sa pelikulang “Until She Remembers” at beteranang aktres na si Boots Anson Roa-Rodrigo sa San Juan City noong Biyernes, Enero 30, tsinika ni Barbie na masaya naman niyang gugunitain ang naturang okasyon.
“I made plans for myself. I will spend it alone just like last year,” saad ni Barbie.
Aniya pa, masaya siya na siya ay kasalukuyang napalilibutan ng mabubuting mga kaibigan.
“...and super-super happy. I’m surrounded with a lot of good friends!” aniya pa.
Nabuksan din ang usapin kaugnay naman sa pagpapanatili niya ng “healthy lifestyle.”
“Kung nakita niyo, ang sipag ko na ulit tumakbo. Ang dami ko na kasi friends nagyayaya. It brings me joy, nakaka-inspire kami ng iba to have a healthier lifestyle,” anang aktres.
Sa direksyon ni Brillante Mendoza, eere na ang pelikulang “Until She Remembers” sa Pebrero 25, 2026, na pinagbibidahan ng bigating mga personalidad sa industriya katulad nina Charo Santos-Concio, Boots-Anson Roa, Barbie Forteza, Angel Aquino, at iba pa.
Matatandaang inurirat naman ng netizens noong 2025 ang tila namamagitan kay Barbie at sa kapwa aktor na si Jameson Blake—matapos silang maispatang magkasama sa isang running event sa lalawigan ng Pampanga.
MAKI-BALITA: Pictures nina Barbie Forteza, Jameson Blake inurirat: ‘Soft launch ba ‘to?’-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA