January 31, 2026

Home SHOWBIZ

‘Those days were heavy and quiet!’ AJ Raval, binalikan isa sa pinakamahirap niyang motherhood experience

‘Those days were heavy and quiet!’ AJ Raval, binalikan isa sa pinakamahirap niyang motherhood experience
Photo courtesy: AJ Raval (FB)

Binalikan ng aktres na si AJ Raval sa kaniyang social media noong Biyernes, Enero 30, ang isa sa pinakamahirap at mabigat niyang pagsubok bilang ina. 

Ibinahagi ni AJ sa nasabing post na noong Hunyo 2024, isang “premature blue baby” ang nailuwal niyang anak na si Aljur Jr., at noong mga oras na ito, akala niya’y mawawala na ito, at hindi niya alam ang gagawin. 

“(Aljur Jr.) He was born premature a blue baby. In the delivery room for a moment we lost him. I did not know what to do,” panimula ng aktres. 

Dahil dito, ang baga raw ni Aljur Jr. ay hindi pa lubos na developed at sinabi na ng mga doktor na kritikal ang kondisyon nito kaya kinakailangan nang mailipat sa ibang ospital. 

Tsika at Intriga

Kahit buntis siya! Bea Borres, ibinuking umano'y pambababae ng tatay ng anak niya

Aniya, sa sobrang takot, pagdarasal na lamang ang nakaya niyang gawin. 

“I did not ask God for answers or explanations. I asked for one thing only a life extension for my baby,” saad ni AJ. 

“I saw the doctors performing CPR to revive my baby. After that I do not remember anything. I lost consciousness,” dagdag pa niya. 

Ibinahagi pa ni AJ na nang magising siya sa recovery room, nalaman niyang nasa NICU (Neonatal Intensive Care Unit) na ang anak. 

Aniya, maituturing niyang tahimik ngunit mabigat ang mga panahong ito, at sa paghihintay niya na makasama ang anak, na-realize niyang Panginoon lamang ang mapanghahawakan niya. 

“When I woke up in the recovery room the first thing I did was ask for my baby. The doctor told me he was in the NICU . We did not get to be together right away. He stayed in the ICU for days and all we could do was wait,” saad ni AJ.

“Those days were heavy and quiet. In that waiting I realized there was only one thing to hold on to God,” dagdag pa niya. 

Sa pamamagitan daw ng experience na ito, nabago siya sa mga paraan na hindi niya maipaliwanag. 

Dahil na-realize rin daw ni AJ na sa muntik nang pagkawala ng anak, ang buhay, pagmamahal, at mga taong ipinagkatiwala ng Panginoon ang tunay na mahalaga. 

“That experience changed me in ways I cannot explain. When you come that close to losing someone you realize how small everything else is, what truly matters is life love and the people God entrusts to us,” saad ni AJ. 

Kaya sa pagtatapos ng kaniyang post, hinikayat niya ang kaniyang followers at fans na maging appreciative sa buhay na mayroon sila at maging mapagpasalamat sa lahat. 

“So appreciate every breath every moment, every heartbeat because when life shows you how fragile it is you learn to be thankful for everything,” saad ni AJ. 

“Let this be a reminder to appreciate what you have every breath every moment. All glory belongs to God ,” dagdag pa niya. 

Sean Antonio/BALITA