January 31, 2026

Home SHOWBIZ

'Proudest moment of my life!' Bea Borres, 'di binigay sa anak apelyido ng erpat

'Proudest moment of my life!' Bea Borres, 'di binigay sa anak apelyido ng erpat
Photo courtesy: Bea Borres (FB)

Ibinahagi sa publiko ng social media personality na si Bea Borres ang proud moment umano niya sa kaniyang buhay na ibigay ang kaniyang apelyido sa anak. 

Ayon sa naging post ni Bea sa kaniyang Facebook page nitong Sabado, Enero 31, sinabi niyang hindi raw nakakaapekto sa kaniyang tawagin siyang “single mother” dahil alam daw niya sa kaniyang sarili na kaya niya. 

Ani Bea, “proudest moment” daw para sa kaniya na ibigay ang apelyido niya sa kaniyang anak na si Victoria Hope Borres. 

“[B]eing called a single mother never really bothered me because I’m confident and know what I’m capable of & one of the proudest moments of my life as a woman was choosing to give my daughter my last name,” mababasa simula ng kaniyang caption. 

‘Those days were heavy and quiet!’ AJ Raval, binalikan isa sa pinakamahirap niyang motherhood experience

Screenshot mula sa FB post ni Bea.

Screenshot mula sa FB post ni Bea. 

Pagpapatuloy pa ni Bea, hindi pa rin daw niya maintindihan ang pinagmumulan ng galit ng mga tao sa mga “single mom” dahil hindi naman daw ginusto ng mga kagaya niya ang mapunta sa ganoong sitwasyon. 

“I still don’t get the shame and hatred towards single mothers, we never wanted to be one in the first place,” diin niya. 

Buwelta pa ni Bea, kaya raw huwag “mag-feeling ulirang ama” ng ilang lalaki kung puro “stress” lang ang naiambag ng mga ito sa kanilang asawa. 

“[S]o wag kayong feeling ulirang ama kung stress lang naman inambag niyo hahaha,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, mapapansin din sa nasabing litrato mula sa birth certificate ng anak ni Bea na inupload niya na hindi nakalagay ang pagkakakilanlan ng ama ng bata. 

Screenshot mula sa FB post ni Bea.

Tila kinatigan naman ng netizen ang desisyon ni Bea para sa kaniyang anak. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Bea: 

“Korek. same sa panganay ko,apilyido ko Dala nya..and it doesn't bother me..proud and loud..WALA RIN NAMAN KWENTA UNG AMA.” 

“Same with my bunso , she’s carrying my FATHERS surname na masasabi kong WORTH IT.” 

“I love you bei! I will never get tired of telling you how strong you are! I love you and i love hopie! You are loved!!!” 

“[M]e na sinasabihan na para ko ng kapatid anak ko dahil i put my surname instead, ba't ko ilalagay apelyido ng sperm donor lang eh ako naman naghirap sa anak ko.” 

“Hello Ms Bea Borres, ka birthday nya anak ko.. matatalino ang mga devember babies. Batang ina din aq… pweo ngaun dalaga na anak ko.. malkas parin aq.. kyang kya mo din yan.. ignore mo lang mga bashers.” 

MAKI-BALITA: 'She fought harder than I did!' Baby ni Bea Borres, nakalabas na ng NICU

MAKI-BALITA: Bea Borres, kumpirmadong buntis!

Mc Vincent Mirabuna/Balita