January 31, 2026

Home BALITA Probinsya

Misis na umano'y taksil, sinaksak ng mister habang natutulog!

Misis na umano'y taksil, sinaksak ng mister habang natutulog!

Isang 27-anyos na babae ang nasawi matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang 38-anyos na asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Davao City.

Ayon sa mga awtoridad, habang mahimbing na natutulog ang biktima ay bigla na lamang itong inatake at pinagsasaksak ng suspek.

Kahit nagtamo ng maraming sugat, nagawa pa umanong makatakbo ng biktima ng ilang hakbang bago tuluyang bumagsak.

Isinugod pa siya sa ospital ngunit idineklara na siyang dead on arrival.

Probinsya

Lalaking 3 beses umanong ginahasa, ginilitan sariling rapist!

Dagdag pa ng pulisya, nasugatan din ang ina ng biktima matapos itong magtangkang umawat at ipagtanggol ang kaniyang anak sa gitna ng pananaksak.

Agad namang nadakip ng pulisya ang suspek at narekober ang patalim na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon na sinabi umano ng suspek na nagawa niya ang krimen matapos umano niyang makita sa Facebook Messenger ang mga mensahe na nagbigay sa kaniya ng hinalang pagtataksil ng kaniyang asawa.

Samantala, binigyang-diin naman ng dating punong barangay ng lugar na ang suspek ay hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga at dati nang nasasangkot sa mga kaguluhan noong panahon ng kaniyang panunungkulan.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong parricide at frustrated parricide.