Nakalaboso ng mga awtoridad ang isang taniman ng mga marijuana sa Negros Oriental nitong madaling-araw ng Sabado, Enero 31.
Base sa report ng Bayawan City Police Station (CPS) sa media, namataan ng Bayawan City PNP (Philippine National Police) at 1st PMFC (Provincial Mobile Force Company) ang nasabing taniman habang nagsasagawa sila ng warrant of arrest para sa isang indibidwal.
Ang mga nasibat na 3,000 na mga marijuana ay nagkakahalaga ng ₱600,000, kung saan natagpuan ang mga ito sa isang tagong lugar sa Sitio Mangga, Barangay Manduaw, Bayawan City.
Ayon pa rito, nang matagpuan ng mga awtoridad ang mga pananim, agad nila itong binunot mula sa ugat at sinunog, na sinaksihan naman ng mga opisyal ng barangay.
Sa kaugnay na ulat, ayon sa Republic Act (RA) No, 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ng Pilipinas, ilegal ang paggamit at pagmamay-ari ng marijuana o cannabis.
Ang sinumang mahulihan nito ay maaaring humarap sa panghambuhay na pagkakakulong at multa na aabot sa ₱500,000 hanggang ₱10 milyon.
Sean Antonio/BALITA