Nadagdagan pa ng tatlong bangkay ang narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Sabado, Enero 31, mula sa lumubog at kasalukuyan pang hinahanap na MV Trisha Kerstin 3.
Ayon sa latest update ng PCG, mga bandang 1:42 ng umaga ngayong Enero 31, nakuha ang dalawang katawan sa Baluk-Balul Island at Mataja Island.
Bandang 2 ng hapon naman narekober ang pangatlong katawan.
Saad pa ng PCG, ibabiyahe na ang mga bangkay papuntang Zamboanga City para sa pagsasaayos.
Habang umakyat na sa 36 ang kabuoang tala ng mga nasawi mula sa trahedya, nananatili ang bilang ng mga nakaligtas sa 316.
Sa kasalukuyan din, bukod sa search and rescue operations, nagpapatuloy ang mga awtoridad sa pagtukoy ng kabuoang bilang ng mga hinahanap pang biktima ng trahedya.
MAKI-BALITA: Mga nasawi sa MV Trisha Kerstin 3, lagpas na sa bilang ng mga nawawala; ilang katawan, inanod na sa ibang isla!
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasagawa ng “full-blown” na imbestigasyon sa MV Trisha Kerstin 3, na naiulat na lumubog sa Baluk-Baluk Island, Basilan, noong Lunes, Enero 26.
MAKI-BALITA: PBBM, nag-utos ng ‘full-blown investigation’ sa M/V Trisha Kerstin 3
MAKI-BALITA: ‘Search and rescue’ isinasagawa sa lumubog na RORO; may 332 pasahero
KAUGNAY NA BALITA: Mga umaaligid na pating, isa sa mga hamon ng ‘search and rescue’ sa MV Trisha Kerstin 3
Sean Antonio/BALITA