Nakiisa ang mga miyembro ng Body of Christ sa Pasig sa isinagawang parade at culmination ng pagdiriwang ng National Bible Month nitong Sabado, Enero 31, 2026.Â
Pinangunahan ng City of Pasig Ministers Alliance (CPMA) ang naturang kaganapan kung saan nagparada ang mga miyembro ng Body of Christ sa anim (6) na kalye ng Pasig, bitbit ang mga Bibliya, bandila, at placards na may nakalagay na mga Salita ng Diyos at "Pasig for Jesus."
Nagsimula ang parada sa Rizal High School bandang ala-6:00 ng umaga at nagtapos sa Plaza Rizal bago mag-alas 8:00 ng umaga.
Sinundan agad ito ng papuring awit at programa ng culmination.Â
Bagama't hindi nakadalo si Mayor Vico Sotto, dumalo naman si Congressman Roman Romulo upang bumati sa lahat ng nagpunta sa selebrasyon.
"Gusto ko pong ma-congratulate kayong lahat sa pag-celebrate natin ng Bible month dito sa lungsod ng Pasig," ani Romulo.Â
Dumalo rin si Rev. Jerika Ejercito-Aguilar, commissioner ng Philippine Commission on Women, na siyang nagbahagi ng Word of God.Â