January 31, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

May paghawak sa belly! Drew nilinaw na hindi preggy si Iya, anniv lang nila

May paghawak sa belly! Drew nilinaw na hindi preggy si Iya, anniv lang nila
Photo courtesy: Drew Arrellano/FB

Kinaaliwan ng mga netizen ang social media post ng Kapuso host na si Drew Arellano, sa pagdiriwang nila ng 12th wedding anniversary ng misis na si "24 Oras" showbiz news presenter Iya Villania.

Ipinagdiwang ng longtime celebrity power couple ang kanilang wedding anniversary kung saan makikitang nakasuot sila ng kimono.

Makikitang nakayakap naman si Drew kay Iya at kapansin-pansing nakahawak ang kanang kamay ni Drew sa tiyan ni Iya.

Pero paglilinaw ni Drew, hindi ito anunsyo ng ikaanim na pagbubuntis ng misis.

Tsika at Intriga

Kahit buntis siya! Bea Borres, ibinuking umano'y pambababae ng tatay ng anak niya

“Anniversary suits on! And nope, not preggy! Relax! #Year12,” pa-disclaimer ni Drew sa post

Umani naman ito ng mga nakaaaliw na reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Talagang nakakakaba yang mga pahawak mo sa belly ni mareng Iya, Drew!"

"Hindi pa tayo sure. May rare cases na nakakabuntis pa kahit nagpa-vasectomy na. It is a blessing pa rin pag nagka-baby ulit."

"relax lang kayo, walang Biyahe si Drew, kaya di buntis si Iya hahahaha..."

"that caption deserves a follow! haha not preggy, not yet."

"Baby no. 6 in the making."

Matatandaang isinilang ni Iya ang baby number 5 nila ni Drew na si Anya Love noong Pebrero 2025. Ang iba pa nilang mga anak ay sina Primo, Leon, Alana, at Astro.

Kaugnay na Balita: Iya Villania, nanganak na!

Noong Abril 2025 naman, ibinida ni Drew ang pagpapasailalim niya sa proseso ng vasectomy.

Kaugnay na Balita: Drew Arellano, 'nagpakapon' na

Ayon sa National Institute of Child Health and Human Development, ang vasectomy ay isang uri ng permanenteng birth control sa mga lalaki.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng isang surgical procedure kung saan pinuputol at tinatakpan ang tubo sa ari ng lalaki na naglalaman ng kanilang semilya.