January 31, 2026

Home BALITA National

Llamas pinuri si Sen. Padilla: 'Malaking tulong si Sen. Robin Hood!'

Llamas pinuri si Sen. Padilla: 'Malaking tulong si Sen. Robin Hood!'
Photo courtesy: File Photo, Senate of the Philippines (FB)

Sinabi ng political pundit at dating Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas na kailangan daw magpasalamat ang publiko kay Sen. Robin Padilla dahil marami ang mga tumakbong artista noong midterm election nitong 2025 ang natalo.

Kaugnay ito ng naging pahayag ng TV host at asawa ng senador na si Mariel Rodriguez na hindi na raw tatakbo sa Halalan 2028 ang kaniyang mister dahil hindi “deserve” ng taumbayan si Padilla. 

“May days ako na ‘last na talaga ‘to, tatapusin na lang natin ‘to, hindi na natin ‘to [ipagpapatuloy]...’ Or like sometimes I feel na lalo na when they take out of context what he says, or they say stuff about him…parang I feel na they don’t deserve him. May mga ganoon ako,” saad ni Mariel sa isang panayam sa kaniya sa Julius Babao UNPLUGGED. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘[People] don’t deserve him!’ Mariel Rodriguez sinabing ‘di na tatakbo Sen. Robin sa 2028

National

DOH-BOQ, naghihigpit na sa potensyal na pagpasok ng Nipah Virus sa bansa

Ayon naman sa naging tugon ni Llamas sa panayam sa kaniya sa “Sa Totoo Lang” ng One PH noong Biyernes, Enero 30, sinabi niyang malaki raw ang naitulong ni Padilla sa nakaraang midterm election noong 2025. 

“Hindi na raw tatakbo because we don’t deserve him,” pagsisimula niya, “Alam mo, malaking tulong si Sen. Robin Hood Padilla.” 

Dagdag pa niya, “Dahil sa kaniya ay halos lahat ng artista na tumakbo last midterm election, natalo.” 

Anang political pundit, dapat daw na pasalamatan si Padilla dahil natuto umano ang mga botante na hindi dapat “name recall” o popularidad lang ng isang kandidato ang maging basehan para iboto sa eleksyon. 

“Ang laki ng tulong niya [at] kailangan natin siyang pasalamatan na ang mga botante ay hindi na name recall lamang, hindi na popularidad lamang ang magiging batayan ng kanilang pagboto,” saad niya. 

Ani Llamas, tila handa raw siyang pumusta na hindi na ulit magiging number one si Padilla sa eleksyon. 

“Dahil si Robin Hood, nag-number one ‘yan, e, no’ng tumakbo siya for the Senate. Ngayon, pupusta ako, hindi na siya magna-number one,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya, tila posible rin naman daw na hindi na talaga gustuhing tumakbo ni Padilla sa Halalan 2028 dahil baka raw nakita na nila sa kanilang data analytics na delikado na ang pagtakbo. 

“Posible. Baka na-realize niya sa kanilang data analytics na medyo delikado siya dahil lahat ng artista na tumakbo ay natalo,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, reaksyon, o tugon si Padilla sa naging komento ni Llamas. 

MAKI-BALITA: Mariel Padilla, hindi naniniwalang politiko si Sen. Robin, bakit?

MAKI-BALITA: Llamas sinagot si Sen. Padilla: 'Nalimutan ata, mahigit 10 taon na nakapasok China sa PH!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita