January 31, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kahit buntis siya! Bea Borres, ibinuking umano'y pambababae ng tatay ng anak niya

Kahit buntis siya! Bea Borres, ibinuking umano'y pambababae ng tatay ng anak niya
Photo courtesy: Bea Borres/IG

Usap-usapan ngayon sa social media ang sunod-sunod na cryptic Instagram stories ng content creator at aktres na si Bea Borres matapos niyang ibahagi ang screenshots ng umano’y ipinadalang mensahe sa kaniya ng ilang netizens na nagsasabing nakita raw nilang nakikipag-flirt sa iba’t ibang babae ang dati niyang karelasyon, at ama ng kaniyang anak.

Batay sa nilalaman ng mga screenshots na ibinahagi ni Borres, may mga indibidwal na nagpadala sa kaniya ng direktang mensahe (DM) na naglalahad ng kanilang umano’y personal na mga nasaksihan kung paano raw siya niloko ng umano'y tatay ng anak niya, lalo na noong buntis siya.

Photo courtesy: Screenshot from Bea Borres/IG

Ayon sa mga mensahe, madalas daw makita ang lalaki sa mga bar at party sa Bonifacio Global City (BGC), kung saan umano’y may kasamang iba’t ibang babae at umano'y aktibong nakikipaglandian.

Tsika at Intriga

May paghawak sa belly! Drew nilinaw na hindi preggy si Iya, anniv lang nila

Sa isa sa mga ibinahaging mensahe, sinabi ng isang netizen na nakita raw niya ang lalaki nang ilang ulit sa BGC na walang palya at hindi iisang babae ang kasama.

Photo courtesy: Screenshot from Bea Borres/IG

May nagbanggit na habang dumaraan umano si Borres sa maselang yugto ng kaniyang pagbubuntis, ang ama ng bata ay nakikita raw na nakikipag-inuman at nakikipagkilala sa ibang babae.

May ilan ding mensahe na naghayag ng simpatya kay Borres, kabilang ang pahayag na hindi raw karapat-dapat ang naturang lalaki na gumanap bilang ama kung magpapatuloy ang ganitong asal.

Photo courtesy: Screenshot from Bea Borres/IG

May nagpadala rin umano sa kaniya ng mga video at larawan bilang dagdag na patunay sa mga alegasyon, bagama’t hindi niya ibinahagi ang mga ito nang buo sa publiko.

Sa isa pang Instagram story, sinabi ni Borres na kaya rin niyang magpaka-Ellen Adarna subalit mas pinili niyang huwag na lang; binanggit niya naman na may one point ang estranged husband nitong si Derek Ramsay dahil nasa tabi siya ng misis noong nanganganak siya.

Photo courtesy: Screenshot from Bea Borres/IG

Ibinahagi rin ni Borres na hindi niya ipinagamit ang apelyido ng anak sa apelyido ng tatay nito.

Kaugnay na Balita: 'Proudest moment of my life!' Bea Borres, 'di binigay sa anak apelyido ng erpat