January 31, 2026

Home BALITA National

Jack Argota, nag-react na posibleng ma-subpoena dahil sa 'pekeng' med record ni PBBM

Jack Argota, nag-react na posibleng ma-subpoena dahil sa 'pekeng' med record ni PBBM
Photo courtesy: Jack Argota (FB)/via MB/Screenshot from Politiko Talks via Bilyonaryo News Channel

Nagbigay ng reaksiyon at mga tirada ang social media personality na si Jack Argota hinggil sa naging panayam kay National Bureau of Investigation (NBI) Acting Director Lito Magno na posible siyang isyuhan ng subpoena kaugnay sa umano'y pagpapakalat ng pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ayon sa isang programa ng Bilyonaryo News Channel kung saan nakapanayam si Magno, sinabi niyang kasalukuyan nang iniimbestigahan ng ahensya ang mga indibidwal na sangkot sa pagpapakalat ng nabanggit na umano'y fake news.

"Iniimbestigahan natin ‘yan dahil sa NBI, isa po sa ating mandato ay bantayan ang seguridad ng ating Pangulo, Vice President, and all the other top officials. Lumalabas ito na national concern, national security na rin po ito," anang Magno.

“Tama po ang sinasabi na may karapatan ang taong malaman ang public health ng pangulo pero hindi po ‘yan nagbibigay ng pahintulot na kung ano-ano lang ang ilalabas natin at magkalat ng fake news," dagdag pa.

National

Sen. Padilla, binuweltahan si Llamas: 'Parang pinatunayan n'yo na pangit kasi kayo!'

Ibinahagi naman ito ng kilalang abogadong si Atty. Jesus Falcis at kinomentuhan.

"Dalawa ang malinaw na kasalanan ni Jack Argota," aniya.

"One, he posted a fake medical record of PBBM. And even if he can prove it was true, it would still violate relevant medical and data privacy laws."

"Two, he said may 'kanser' si BBM which is fake news and wala din naman sa fake medical record allegedly from St. Luke's that he uploaded."

"Titingnan daw ng NBI lahat ng angulo – cyberlibel, false news (under Revised Penal Code), data privacy, etc. Kahit dinelete ni Jack Argota yung post, preserved na or kayang i-retrieve ng NBI ang evidence. Susunod na sigurong masasampolan eto after Jun Abines. Walang ngingiyak!" aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Jesus Falcis/FB

Samantala, nakarating naman ito sa kaalaman ni Argota at nagpaulan ng mga birada laban kay Falcis.

Aniya, "Umeksena nanaman itong si ɓaƙlang jesus."

"Alam mo ɓading hindi ako natatakot sa ganyang paandar nyo ok? Naunahan na kayo ni Meta, binigyan nya na ako ng parusa.

At anong fake news pinagsasasabi mo ɓaƙIa? E galing yan sa St. Lukes at nakita ko yan madaming beses sa mga vlogger naka public posts yan, e nalalabuan ako kaya pina enhanced ko kay ChatGPT."

"Kung peka yan, e di ipakita nyo ang original para makumpara natin alin ang peke? Diba? Para may basehan, hindi yung puro kayo pag poprotekta jan sa kawatan na yan. Nagkakasakit na kakanakaw eh."

"Never ako nag delete ng posts ko, kaya nawawala yung ibang posts ko minsan ay nirereport, pina fact check at tulad neto ay nireremove ni meta due to privacy. Di ako aware sa batas ni Meta eh pake ko ba jan."

"At yung sinabi kong may kanser sa kaliwang ɓetIog si BBM, e patawa ko nalang yan, hello? komedyante nga eh. Ang boring siguro ng chilhood nyong mga uhIoI kayo hahaha!"

"At last, never ako nanalangin na mamathai ang isang tao dahil naniniwala ako sa karma, mas malaki ang balik nun sa nananalangin. Pinapanalangin ko pa nga na wag sana mamathai si BBM para panagutin nya ang karumaldumal na pagnanakaw na ginawa nya sa bayan," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Jack Argota/FB

Sa isa pang Facebook post, tila hinamon ni Argota ang kung sinuman, na ilabas ang orihinal na medical record ng Pangulo.

"Peke daw yung medical na kumakalat? E di ilabas nyo ang orihinal. Karapatan ng mga Pilipino malaman ang sakit at lagay ng Pangulo," aniya pa.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag ang Palasyo tungkol dito.