Naniniwala ang isang pastor sa Pasig City na ang pagbabago ay nagsisimula sa puso.
Nitong Sabado, Enero 31, 2026, nagsagawa ng parade at culmination ang City of Pasig Ministers Alliance (CPMA), katuwang ang mga miyembro ng Body of Christ, para sa pagdiriwang ng National Bible Month
Maki-Balita: Mga miyembro ng Body of Christ sa Pasig, nakiisa sa Nat'l Bible Month Celebration
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Pastor Lee Gomez, isa sa mga officer ng CPMA, nagbahagi siya ng patungkol sa pagdiriwang ng National Bible Month sa lungsod.
"We have been celebrating since 1990s., eventually, it has become a constant celebration we do. So, every year ginagawa natin ito and we're just so blessed especially ngayon, it's getting a lot better every time we celebrated," ani Pastor Lee.
"This isn't just merely an event, we believe. We are doing a movement here. Gusto nating mag-ingay e, gusto nating ipakita, especially in Pasig City, that Christians are not on the sideline, we're the frontline," dagdag pa niya.
Paliwanag ng Pastor na ang tunay na pagbabago ng tao at lipunan ay nagmumula sa malalim na ugnayan ng puso at pananampalataya, kung saan ang Salita ng Diyos ang nagiging sentro ng pagbabago.
"Naniniwala kami na 'yong kapangyarihan ng Salita ng Panginoon is the best way to transform or create a reform in our society, hindi po 'yong sistema lamang. Change begins in the heart, and when the Word of God hits deeply in the heart of the people, especially dito sa Pasig, malaki ang improvement. Malaki na po ang pagbabago sa Pasig but there is more that we are expecting, especially 'yong transformation sa ating lungsod," saad ni Pastor Lee.
Nagpasalamat din siya kina Pasig City Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Congressman Roman Romulo, City council, at mga simbahan sa Pasig dahil sa kanilang suporta sa selebrasyon.
"This is our time, this is our season. Samahan n'yo po kami," pagtatapos niya.