January 31, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Proseso, trabaho ng House Justice Committee sa impeachment vs PBBM

ALAMIN: Proseso, trabaho ng House Justice Committee sa impeachment vs PBBM
Photo courtesy: via MB

Isa sa mga mainit na pangyayari sa politika sa kasalukuyan ay ang kabi-kabilang pagsasampa ng impeachment complaint laban sa mga pinakamatataas na lider ng bansa, partikular kina Vice President Sara Duterte at unang inihaing mga reklamo laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., mula sa ilang mga indibidwal at partido. 

KAUGNAY NA BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Ngunit bago makasampa sa Senado ang mga naturang impeachment complaint, kinakailangang dumaan muna ito sa House Committee on Justice upang mabusisi at mapagbotohan ng mga miyembro nito kung tama ang paghahain at wasto ba ang detalye ng kanilang mga alegasyon laban sa isang opisyal. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM

Tourism

#BalitaExclusives: Nag-'Hep, Hep, Hooray' sa Igorot Stone Kingdom sa Baguio, pinatayuan ng monumento!

Kaugnay nito, matatandaang pormal nang umabiso para sa unang pagpupulong ang House Committee of Justice sa mga naghain at nag-endorso ng impeachment complaint laban kay PBBM sa parating na Lunes, Pebrero 2, 2026.

KAUGNAY NA BALITA: Unang pagpupulong sa impeachment complaint vs PBBM, ikakasa na sa Peb 2!

Ngunit ano nga ba talaga ang trabaho at proseso na kinakailangang gampanan ng House Committee on Justice para gumulong ang impeachment complaint laban kay PBBM? 

Ayon sa naging panayam sa Sa Totoo Lang ng One PH kay House Justice Committee member at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon noong Biyernes, Enero 30, sinabi niyang trabaho daw nila sa nasabing Komite na madetermina ang “sufficiency in form” at “sufficiency in substance” ng mga nasabing impeachment complaint laban kay PBBM. 

“Well, ang trabaho po ng House Committee on Justice ay magkaroon po ng determination of sufficiency in form and the sufficiency in substance,” pagsisimula niya. 

Ani Ridon, uunahin daw nilang bubusisiin sa “sufficiency in form” kung tama ba ang paghahain ng mga indibidwal o partido ng impeachment complaint. 

“So uunahin po namin ‘yong form kung tama po ba ‘yong pagkaka-file ng mga impeachment complaints po na ito,” aniya. 

Anang mambabatas, kapag natapos na sila sa unang hakbang, kasunod naman nilang pag-uusapan ang tungkol sa “sufficiency in substance” ng impeachment complaint. 

“Pangalawa, syempre pag-usapan na po ‘yong sufficiency in substance. Ibig sabihin no’n, ‘yon pong mga detalye no’n pong mga allegations na po sa mga iba’t ibang impeachment complaints,” saad niya. 

Pagbabahagi ni Ridon, kailangan daw pagbotohan ng mga miyembro ng House Committee on Justice kung approved o disapproved ang “sufficiency in form” at “sufficiency in justice” ng impeachment complaint at kinakailangan daw maging majority ang resulta ng kanilang paboto. 

“Kung na-determine [na po], una, we have to vote on sufficiency in form. So, approved or disapproved po ‘yan. Majority ang required po d’yan—majority of the Committee members,” paliwanag niya. 

Dagdag pa niya, “Second, determination of sufficiency in substance. Majority vote din po of Justice Committee.” 

Pagpapatuloy pa ni Ridon, sakali raw na makakuha ng majority vote mula sa mga miyembro ng House Committee on Justice ang “sufficiency in form” at “sufficiency in substance” ng impeachment complaint ay mapupunta ito sa plenary at kasunod sa Senado upang isailalim sa trial. 

“As soon as you get a majority vote, it goes to plenary… if it gets approved sa plenary [ay] pupunta na po ‘yon sa Senate na po for Trial,” pagkukuwento niya. 

Ngunit giit ni Ridon, sakali man daw na hindi ito makakuha ng majority vote sa mga miyembro ng House Committee on Justice, hindi na raw uusad ang nasabing impeachment case. 

“Pero syempre, [if] it doesn’t get a majority vote at the level of the Committee and then it dies there,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Impeachment complaint vs PBBM, wala nang puwedeng humabol!—Garafil

MAKI-BALITA: 2 impeachment complaint vs PBBM, pag-atake rin sa administrasyon—Palasyo

Mc Vincent Mirabuna/Balita