Diretsahan ang mga pahayag ng TV host na si Mariel Rodriguez kaugnay sa magiging plano ng kaniyang mister na si Sen. Robin Padilla sa darating na 2028 elections.
Sa pakikipanayam ni Mariel sa YouTube channel na Julius Babao UNPLUGGED kamakailan, naungkat ang gagawin ng mister sa susunod na dalawang taon, matapos siyang tanungin patungkol sa politikal nitong mga plano, partikular sa pagtakbo sa 2028 elections.
“I don’t know if…okay…that’s a really good question, because Robin doesn’t—Robin does not. Ayaw niya na. He is always saying that because nababagalan siya sa mga bagay-bagay ganoon,” saad ni Mariel.
Aniya pa, may mga araw daw na sinasabihan niya ang mister na tumigil na, ngunit minsa’y napapaisip din daw siya dahil ito raw ay may nagagawa bilang isang senador.
Aniya, “There are days that I tell him ‘hindi na, huwag na talaga—huwag na, hindi na.’ And [there were] also days that people come up to me…[napapaisip] ako always na parang ‘sandali, kaya lang may nagagawa siya e.’ Alam mo ‘yon? Napapagano’n ako.”
Ramdam pa nga raw ni Mariel na tila hindi “deserve” ng mga tao ang kaniyang mister, dahil nate-take out of context umano ng mga ito ang mga pahayag ni Robin.
“May days ako na ‘last na talaga ‘to, tatapusin na lang natin ‘to, hindi na natin ‘to [ipagpapatuloy]...’ Or like sometimes I feel na lalo na when they take out of context what he says, or they say stuff about him…parang I feel na they don’t deserve him. May mga ganoon ako,” anang TV host.
Sa parehong panayam, nasabi tuloy ni Mariel na hindi raw siya naniniwalang politiko ang kaniyang mister—bagkus ito raw ay isang “public servant.”
“I still believe that [Senator] Robin is not a politician. I feel that the title for Robin is a public servant,” saad ni Mariel.
MAKI-BALITA: Mariel Padilla, hindi naniniwalang politiko si Sen. Robin, bakit?-Balita
Matatandaang sinabi na noon ni Robin na wala siyang planong tumakbo sa 2028.
“Maraming salamat po. Pero wag niyo na po ako isama sa line up at hindi na po ako matakbo sa 2028. Mabuhay po,” saad ng senador.
MAKI-BALITA: Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
‘[People] don’t deserve him!’ Mariel Rodriguez sinabing ‘di na tatakbo Sen. Robin sa 2028
Photo courtesy: Mariel Rodriguez Padilla/FB