January 30, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nahiya ka pa, cute mo!' Nikko Natividad, pinatulan hanash ng basher sa dinaluhang raket

'Nahiya ka pa, cute mo!' Nikko Natividad, pinatulan hanash ng basher sa dinaluhang raket
Photo courtesy: Nikko Natividad (FB)

Direktang binuweltahan ng aktor na si Nikko Natividad ang post sa social media ng isang netizen na umano’y nagpakalat ng ginawa niya sa isang raket na kaniyang dinaluhan. 

Ayon kasi sa Facebook post ng uploader na nagngangalang “Marya Sunga,” sinabi niyang ayaw daw magpakuha ng litrato ng isang artista sa kanilang Barangay chairman, hindi rin daw ito pumayag sa imbitasyon ng nasabing chairman na dumalo sa kanilang family dinner, at ayaw daw magpakuha din ng litrato sa mga manonood ng naganap na show. 

“Nakakaloka ying nakasama ko artesta na mhin sa isang raket sa Fiesta… Ayaw pa pic sa Chairman n Barangay (na napaka pogi at mas pogi pa skanya). Ayaw mag Dinner sa bahay ni Chairman para mag meet and greet sa family kelangan daw bayaran sha n 20k...huwaaaat?” pagsismula ng netizen. 

Photo courtesy: Nikko Natividad (FB)

Photo courtesy: Nikko Natividad (FB)

Tsika at Intriga

Big guy na, matangkad pa! Jillian Ward, nililigawan ng misteryosong boylet sa viral video?

Dagdag pa niya, “Ayaw pa pic sa audience after show. Nagmamadali sa performance pag tapos n 3 napakabilis na numbers takbo agad sa van tas uwi parang ipo ipo… Kaloka!!!” 

Bagama’t walang nabanggit na pangalan ng artista ang naturang uploader, direkta itong sinagot ni Nikko noong Huwebes, Enero 29, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng nasabing post sa kaniyang news feed sa Facebook. 

Nagawang kuwestiyunin ni Nico ang uploader kung hindi ba raw inupload ng nasabing kapitan ang larawan nilang magkasama at litratong kasama rin ang pamilya nito. 

“Hindi ba inupload ni kapitan mga pina video greet nya saken? Hindi ba nila inupload mga solo pic ng buong pamilya nya saken?” pagsisimula ng aktor. 

Photo courtesy: Nikko Natividad (FB)

Anang aktor, hindi raw obligasyon ng isang performer na pumunta at kumain sa bahay ng kapitan at may “choice” raw siya na tumanggi sa imbitasyon. 

“At isa pa hindi obligasyon ng performer pumunta at kumaen sa bahay ng kapitan para mag meet and greet. May choice pong humindi,” diin niya. 

Pagpapatuloy pa niya, normal lang daw na dumiretso siya sa kaniyang van pagkatapos ng performance sa nasabing show dahil wala naman siyang ibang pupuntahan. 

“At malamang diretso van ako,bakit san mo ako gusto pumunta after performance ko?Sa bahay nyo?” sagot niya. 

“Nahiya ka pa pangalanan ako cute mo,” pagtatapos ni Nico sa caption. 

Samantala, burado na ngayon ang nasabing post ng netizen ngunit muli itong inupload ni Nico noon ding Enero 29, 2026. 

MAKI-BALITA: Nikko Natividad, ipinatulfo ng kasambahay dahil sa Facebook post?

MAKI-BALITA: Matapos maospital ng anak, looking for yaya si Nikko Natividad; 'Yong sexy, maganda!

Mc Vincent Mirabuna/Balita