Usap-usapan ngayon online ang misteryosong boylet na minsang nakasama ng Kapuso Sparkle artist na si Jillian Ward sa kaniyang TikTok video at ang status ng dalawa kung nililigawan ba siya ng nasabing “big guy.”
KAUGNAY NA BALITA: Da hu? Misteryosong boylet na kasama ni Jiliian sa video, hinulaan ng netizens
Ayon sa naging panayam ng news anchor ng GMA Integrated News na si Nelson Canlas kay Jillian noong Huwebes, Enero 29, nagawang ipasok ng mamamahayag ang tanong tungkol sa misteryosong boylet na nakasama ng aktres sa kaniyang TikTok video noong Enero 15, 2026.
“Lilinawin lang natin ‘yong tungkol kay big guy, boyfriend mo na ba ito?,” intriga ni Canlas.
Diretsahan naman itong sinagot ni Jillian na hindi raw niya boyfriend ang nasabing “big guy.”
Ngunit nang matanong ng mamamahayag kung nanliligaw daw ba sa kaniyang misteryosong boylet, tila hindi iyon naitanggi ni Jillian.
“I think so, ayy,” aniya, “Kasi baka mahulaan po ninyo kung sino kapag sinabi ko.”
Pagbibigay pa ni Jillian ng pahiwatig, isa rin daw ang nasabing misteryosong boylet na nagpapadala sa kaniya ng mga bulaklak.
“Well, yes,” saad niya, “Well, syempre nagpadala rin po si big guy.”
Pagpapatuloy ni Jillian, pakiramdam daw niya na natatanggap na ng publiko na nagdadalaga na siya at nakikita daw niyang nai-stress na rin ang kaniyang ermat tungkol dito.
“Feeling ko din po kasi parang this year [na] medyo natatanggap na ng mga tao na nagdadalaga na ako. So medyo nai-stress na po si mama,” pagkukuwento niya.
Bukod dito, nauna na ng sabihin ni Jillian sa 24 Oras na naka-crouch at matangkad daw talaga ang misteryosong boylet na kasama niya sa video.
“Well magbibigay ako ng isang clue kasi may mga comments na sabi nila hindi matangkad 'yong nasa likod. Pero kasi ang clue naka-crouch siya para hindi kita ‘yong mukha niya. So matangkad ‘yung taong ‘yon,” ‘ika ng aktres.
“Hayaan niyo naman akong kiligin. Mag-21 na ako,” hiling pa niya.
Sa kasalukuyan, habang sinusulat ang artikulong ito, hindi pa rin iniispluk ni Jillian kung sino ba talaga ang kasama niyang lalaki. Umabot na sa 2.2M likes ang video habang 29.7M naman ang views ang naturang TikTok video ng dalawa.
MAKI-BALITA: Da hu? Misteryosong boylet na kasama ni Jiliian sa video, hinulaan ng netizens
MAKI-BALITA: Sa kabila ng ups and downs: Jillian Ward, transformative ang 2025!
Mc Vincent Mirabuna/Balita