January 30, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

#BALITAnaw: Ang unang kumpirmadong COVID-19 case sa Pilipinas

#BALITAnaw: Ang unang kumpirmadong COVID-19 case sa Pilipinas
Photo courtesy: Aaron Favila/AP Photo

Anim na taon matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, tinagurian na isa ang Pilipinas sa mga bansa na nagkaroon ng pinakamahabang lockdown sa buong mundo. 

Mababasa sa iba’t ibang ulat at mga pag-aaral na nagsagawa ng multi-sectoral na tugon ang pamahalaan sa layong makontrol ang noo’y patuloy na kumakalat na COVID-19 at para mapagaan ang dagok nito sa socio-ekonomikong aspeto ng bansa. 

Matatandaan din na kabilang dito ang iba’t ibang lebel ng community quarantine sa Metro Manila na kalauna’y inimplementa sa Luzon at ilan pang parte ng bansa. 

Dahil dito, narito ang mga naunang kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa bago ang tuluyang pagkalat ng COVID-19 sa bansa: 

BALITAnaw

BALITAnaw: Dedikasyon para sa demokrasya ni ex-Pres. Cory Aquino

Enero hanggang Pebrero 2020 

Enero 21, naitala ang pagpasok ng isang Chinese couple sa Maynila para magbakasyon. 

Ang isa sa kanila ay ipinasok sa San Lazaro Hospital sa Maynila noong Enero 25, matapos siyang kakitaan ng mga sintomas tulad ng ubo at pagsakit ng lalamunan. 

Base sa pag-aaral na inilathala sa National Institutes of Health (NIH), sa isinagawang initial nasopharyngeal/oropharyngeal (NPS/OPS) swabs rito, 

 kinakitaan siya ng Influenza B, human coronavirus 229E. 

Noong Enero 30, nakita naman sa initial swabs nito ang SARS-CoV-2 viral RNA, at dito na kinumpirma na siya, isang babae, ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. 

Ibinahagi rin na pinalabas ang nasabing babae nang gumaling ang kaniyang mga sintomas. 

Sumunod, ang kinilalang 44-gulang na lalaki na may mga sintomas ng lagnat, ubo, at chills, ay kinakitaan ng Influenza B sa kaniyang initial NPS/OPS swabs. 

Naitala rin dito na bagama’t ginamot ang nasabing lalaki gamit ang intravenous antibiotics, ang kondisyon niya ay kalauna’y bumagsak, kaya kinailangan niyang tubuhan. 

Noong Enero 31, naitala na kinakitaan ito ng SARS-CoV-2 viral RNA, at kinumpirma na pangalawang kaso ng COVID-19 sa bansa. 

Noong Pebrero 1, ang kondisyon ng pasyenteng ito ay patuloy na bumagsak at kalauna’y nauwi sa cardiac arrest. 

Ang pasyenteng ito ay nakumpirma rin bilang kauna-unahang kaso ng pagkamatay mula COVID-19 mula sa China. 

Marso hanggang Abril 2020

Noong Marso 3, inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang local case ng COVID-19 sa bansa. 

Base sa mga ulat, kinilala ito bilang 62-anyos na Pinoy, na walang naitalang travel history sa mga bansang may kaso na ng virus infection. 

Dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa bansa, noong Marso 12, nagsimula nang ilagay ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa ilalim ng 30-day community quarantine o “lockdown.” 

Noong Abril 12, inilagay na ang buong rehiyon ng Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ)

Simula rito ay nagkaroon na ng iba’t ibang lebel ang mga community quarantine na inimplementa na sa iba’t ibang bansa tulad ng General Community Quarantine (GCQ) sa buong bansa noong Mayo 16, bukod sa National Capital Region (NCR), Laguna, at Cebu, na noo’y high-risk areas ng virus. 

Sean Antonio/BALITA