January 29, 2026

Home BALITA National

VP Sara, kinuwestiyon kung magpapalit ng legal team si FPRRD

VP Sara, kinuwestiyon kung magpapalit ng legal team si FPRRD
Photo courtesy: Alvin & Tourism (FB), File Photo

Ibinahagi sa publiko ni Vice President Sara Duterte ang naging tugon sa kaniya ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapalit ba raw ito ng legal team. 

Ayon sa inupload na interview ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate o mas kilala bilang “Alvin & Tourism” sa kaniyang Facebook page kay VP Sara nitong Huwebes, Enero 29, sinabi ng Bise Presidente na tinanong na rin daw niya nang personal si FPRRD kung magpapalit ito ng legal team dahil tila hindi raw “satisfied” ang mga detractors at supporter nila. 

“Ang tanong kahapon ay merong concern ang mga detractors at ang mga supporters sa legal team ni President Duterte na hindi sila satisfied sa ginagawa ng legal team,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Tinanong ko siya, tinanong ko si dating Pangulong Rodrigo Duterte, [sinabi] ko exactly kung ano ‘yong tanong ninyo, ‘Gusto mo bang palitan at hindi ka ba satisfied?’” 

National

SC, ibinasura motion for reconsideration ng Kamara sa impeachment complaint vs VP Sara

Ani VP Sara, tila wala naman daw sa plano ng dating Pangulo ang magpalit ng kaniyang legal team at nagbigay pa raw ito ng “instructions” sa kaniya. 

“Sabi niya, ‘Hindi palitan’ pero meron siyang mga instructions na ibinigay na galing sa legal team,” aniya. 

“Hindi ko na sasabihin kung ano ‘yong mga instructions dahil… hindi na mahalaga,” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay kay FPRRD, matatandaang sinabi ng abogado ng dating Pangulo na si Atty. Nicholas Kaufman na maghahain sila ng apela sa International Criminal Court (ICC) matapos nitong ideklara na “fit to take part in pre-trial proceedings” ang kliyente niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagdinig ng confirmation of charges kaugnay ng kasong crimes against humanity.

MAKI-BALITA: Kampo ni FPRRD, aapela sa ICC matapos itakda ang confirmation of charges

"The Defence is disappointed that, contrary to accepted practice, it was denied the opportunity to present its own medical evidence and to question, in court, the contradictory findings of professionals selected by the judges​,” saad ni Kaufman noong Enero 27, 2026. 

Nakatakdang gawin ang pagdinig sa confirmation of charges ni Duterte sa darating na Pebrero 23, limang buwan matapos ang orihinal nitong schedule.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges ni FPRRD, itatakda agad sakaling mapatunayang ‘fit to stand trial’—Conti

MAKI-BALITA: 'Rejected!' 'Humanitarian reasons para sa interim release ni FPRRD, 'di pinayagan ng ICC

Mc Vincent Mirabuna/Balita