January 29, 2026

Home BALITA National

Sen. Padilla, PCG Spox Tarriela nagkita sa personal; 'di raw kailangang bastos

Sen. Padilla, PCG Spox Tarriela nagkita sa personal; 'di raw kailangang bastos
Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla ang pagkikita nila nang personal ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela at sinabi niyang hindi raw nila kailangang maging bastos sa isa’t isa. 

KAUGNAY NA BALITA: Tarriela sa ‘di paggamit ng PCG ng water canon vs. CCG: ‘Ito ay pagpapakita ng propesyonalismo!’

Ayon sa naging Facebook post ni Padilla sa noong Miyerkules, Enero 28, 2026, makikita ang mga larawan ng personal na pagkikita at pagkakamayan nila ni Tarriela.

Anang seandor, hindi raw dahilan ang naging pagpapalitan nila ng mga pahayag at opinyon para maging bastos sa isa’t isa sa personal at sa imbitasyon ng dayuhang bisita. 

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

“Diplomacy,” pagsisimula niya, “Nagkapalitan man tayo sir Tariela ng mga salita at opinyon.”

 

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Padilla. 

Dagdag pa niya, “Hindi dahilan para maging bastos tayo sa isat isa sa harapan at imbitasyon ng mga dayuhang bisita.” 

Ani Padilla, hindi daw nila kailangang magpaliwanag sa isa’t isa dahil original auxiliary siya ng PCG at sa pulitika lang sila nagsasabong ngunit kahit daw ang maglaban ay puwede pa ring magpakita ng respeto. 

“Hindi natin kailangan magpaliwanag sa isat isa, [o]riginal auxiliary ako ng Philippine [Coast Guard],” aniya. 

Sa pulitika tayo nagsasabong but even enemies can show respect,” pagtatapos ng senador. 

Matatandaang sumagot si Tarriela noong Enero 26, 2026 sa tanong ni Padilla na pagpapakita lang umano ng propesyonalismo ang hindi pagganti ng PCG sa agresyon ng China. 

MAKI-BALITA: Tarriela sa ‘di paggamit ng PCG ng water canon vs. CCG: ‘Ito ay pagpapakita ng propesyonalismo!’

Giit pa ni Tarriela, ang silbi ng water cannons ay para makapagligtas ng buhay; hindi para makapanakit ng kapuwa at makapanira ng barko.

Matapos nito, muling sumagot si Padilla sa naging paliwanag ng spokesperson at sinabi niyang tama naman daw ang naging depinisyon ni Tarriela sa paggamit ng water cannon. 

MAKI-BALITA: Sen. Padilla, humirit pa kay Tarriela; 'pag sa Chinese bawal, 'pag rally puwede

Ngunit ng senador, oras na raw para gamitin ang water cannon ng PCG para tapusin na ang umano;y pagiging kawawa ng mga Pilipino sa sarili nilang karagatan at maibsan ng PCG ang galit ng mga ito.

Pagkukumpara ni Padilla, bawal daw pala gamitin ang water cannon sa mga Chinese ngunit puwede sa mga Pilipinong nagpapahayag lang umano ng kanilang damdamin.

MAKI-BALITA: Chinese embassy officials, dapat mapraktis 'good diplomacy' bilang bisita ng ‘Pinas—PCG Spox Tarriela

Mc Vincent Mirabuna/Balita