Umani ng reaksiyon ang pahayag ng social media personality na si Toni Fowler sa pagsabak niya sa episode 1 ng "Rated R" podcast ni ABS-CBN journalist Rico Hizon, na mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN News, at inupload noong Miyerkules, Enero 28.
Umikot ang kuwentuhan nina Rico at Toni sa pagiging "totoong tao" ni Toni at imahe niya sa industriya, na walang filter pagdating sa mga bagay na ipinakikita niya sa social media.
Isa sa mga natanong sa kaniya ni Rico ay paano niya tinatanggap ang mga ibinabato sa kaniya ng mga netizen, partikular ng mga basher, na "bastos" siya.
"Tanggap lang" sey ni Toni.
"Kung 'yon po ang sa tingin nila bastos 'yon, wala naman tayong magagawa. Kasi for example sabihin ko puke, bastos po ba 'yon? Eh parte 'yon ng katawan ng isang babae," walang kiyemeng sabi ni Toni.
"Yes, yes," natatawang sabi ni Rico. "Oo nga no?"
"Pero pag sinabi mo ang babae na vagina, 'Ay hindi bastos 'yong sinabi ni Toni.' So, hindi ko maintindihan kung bakit nagiging bastos ang isang Tagalog na salita."
Iginiit ni Rico na iyon daw ay nasa ilalim ng Biology.
"Yes, kaya 'yong sinabi ko pong ang 'Puke ko ay tahi,' that's true. Kasi mommy na eh. Alam n'yo po ba 'yong ang puke ko ay may tahi, Tito Rico?" tanong ni Toni sa mamamahayag.
"Yes, yes, nakakaintindi ako ng Tagalog," tumatango-tangong sabi ni Rico. "It's the reality!"
Paliwanag pa ni Toni, depende raw iyon sa "POV" o interpretasyon ng isang tao kung ite-take niyang bastos o hindi.
"Para kasi sa akin hindi 'yon bastos, iyon ay parte ng katawan," paliwanag pa ng social media personality.
Hinamon naman ni Toni na banggitin ni Rico ang salitang "puke" na ikinatawa naman niya at pati na ng production team ng podcast.
Sa comment section ng post ng ABS-CBN News tungkol dito, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento.
"It’s not what you say, it’s how you say it."
"She has a point. Parang taboo kasi sa atin pag nagsasabi tayo ng genitals using our own dialect. What if magpapadoktor ka, ano sasabihin mo kay doc, kiffy? pepe? birdy? Wala naman talagang masama sa ganyan except na lang kung gagamitin sa malisyosong paraan. But of course, it starts at home and school ang pagpapaintindi sa tamang paggamit ng mga ganyang salita. That’s part of human anatomy and walang nakakahiya o nakakabastos kung ginagamit lang sa tama."
"The litmus test is: Imagine your 8 year old kid scrolling thru every video of yours. If you are comfortable with it then you are in the clear. If not, just create an OF page."
"Ituro kasi ng maaga sa bata ang tama tawag sa bawat parte ng katawan ng makasanayan sabihn ng walang malisya. Yan ang practice ko sa 2 anak ko. Bata palang sila alam nila both in english at tagalog ang tama tawag sa parts ng katawan natin. Iwas din yan na maabuso ng ibang tao."
"Meron kasing category ng salita. May scientific. May pormal. May kolokyal. May salitang kalye. Etc. Inaayon lahat verbal man or written, sa lugar, tema ng usapan, sa kausap etc."