January 29, 2026

Home SHOWBIZ Events

'Proceeds will be donated to charity!' Bazaar ni Kim Chiu, pinilahan malala

'Proceeds will be donated to charity!' Bazaar ni Kim Chiu, pinilahan malala
Photo courtesy: Screenshots from Kim Chiu (IG)

Maagang nagtipon-tipon ang daan-daang fans at shoppers sa ginanap na Kim Chiu Closet Bazaar ni Kapamilya star at "It's Showtime" host Kim Chiu sa Scout Santiago Street, Quezon City, na nagsimula na noong Miyerkules, Enero 28 hanggang Linggo, Pebrero 1.

Bukas sa publiko ang nabanggit na bazaar mula 10:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Ayon sa Instagram post ni Kim, hindi inaasahan ang aga at dami ng mga dumating dahil 6:00 pa lamang ng umaga ay may pila na sa labas ng venue.

Pagsapit ng 9:00 ng umaga, umabot na sa mahigit 200 katao ang nakapila para makapasok sa bazaar, tampok ang mga pre-loved at personal na kasuotan ng aktres.

Events

Bb. Pilipinas 1989 Sara Jane Paez, pumanaw na

Ipinahayag ni Chiu ang kaniyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap at suporta ng publiko. Aniya, labis siyang nagpapasalamat sa mga dumagsa at nakiisa sa nasabing aktibidad, lalo’t ang lahat ng kikitain mula sa bazaar ay ilalaan sa kawanggawa.

"Super grateful for all the love and support. Proceeds will be donated to charity," ani Kim.

Nagpahatid naman ng suporta ang mga kapwa celebrity sa adhikain ni Kim.