Kinompronta ni Sen. Robin Padilla ang umano’y mga naghahanap ng gulo sa China na tila raw may mga tira talaga ang mga ito.
Ayon sa inupload na video ni Padilla sa kaniyang Facebook page account noong Miyerkules, Enero 28, mapapanood ang senador at mga kasama niyang kalalakihan habang nasa gitna sila ng dagat.
Maririnig din sa naturang video ang pagkanta nila Padilla ng “Pilipinas Kong Mahal” at himno ng Hukbong Dagat.
Screenshot mula FB post ni Padilla.
Sa caption ng post, mababasang nagawang patutsadahan ni Padilla ang umano’y mga naghahanap ng gulo sa China at sinabi rin niyang baka tuliuyan daw pasukin ng nasabing bansa ang Pilipinas kapag napikon at nabuwisit ang mga ito.
“Kayong naghahanap ng gulo sa China ang PRO China dahil sa mga ginagawa niyo baka sa bwisit at pikon sa inyo ay mapilitan sila na pasukin tayo, binigyan lang niyo ng dahilan ang Tsina na pasukin at sakopin tayo bigla at nagresulta pa ng kamatayan at pagkawasak,” aniya.
Buwelta pa ni Padilla, masyado maiinit ang hindi na niya pinangalanang mga indibidwal na para umanong may tira ang mga ito.
“Masyado kayong maiinit parang may mga tira na kayo,” diin niya.
Hinikayat naman ni Padilla ang publiko na panoorin ang naturan niyang video.
“Panoorin niyo muna ito para makita niyo kung ano ang pagkakaiba ng aksyon sa puro salita,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: Sen. Padilla, PCG Spox Tarriela nagkita sa personal; 'di raw kailangang bastos
MAKI-BALITA: Sen. Padilla, humirit pa kay Tarriela; 'pag sa Chinese bawal, 'pag rally puwede
Mc Vincent Mirabuna/Balita