Naglabas ng pahayag ang defense team ni Vice President Sara Duterte matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyong nagdedeklara na labag sa Konstitusyon ang impeachment articles na inihain laban sa kanya.
KAUGNAY NA BALITA: SC, ibinasura motion for reconsideration ng Kamara sa impeachment complaint vs VP Sara
Sa isang resolusyon, tuluyang ibinasura ng Korte Suprema ang Motion for Reconsideration na inihain ng House of Representatives, at pinagtibay ang naunang ruling na nag-void sa impeachment laban kay Duterte dahil sa paglabag umano sa mga itinakdang limitasyon at proseso ng Konstitusyon.
Ayon sa pahayag ng kampo ng bise presidente, kinilala nila ang naging pasya ng Korte Suprema.
“We acknowledge the Resolution of the Supreme Court denying the Motion for Reconsideration filed by the House of Representatives.”
Nagpasalamat din ang defense team sa korte sa pagbibigay ng malinaw na gabay ukol sa tamang pagtrato at hangganan ng impeachment proceedings.
“We thank the Honorable Court for a ruling that now definitively lays down clear and authoritative guidance on the constitutional limits and proper treatment of impeachment proceedings.”
Dagdag pa ng kampo ni Duterte, dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema, itinuturing na nilang tapos na ang usapin at nananawagan na ituon na ang pansin sa iba pang mahahalagang isyu ng bansa.
“With these issues settled by the Court, the matter is now closed. We should then move on to address the nation’s other pressing concerns.”
Nilagdaan ang pahayag ni Atty. Michael Poa, abogado ni Vice President Sara Duterte, noong Enero 29, 2026.
Sa pinakahuling desisyon ng Korte Suprema, iginiit ng mataas na hukuman na ang impeachment laban kay Duterte ay unconstitutional, dahil sa paglabag sa mga itinakdang patakaran ng Saligang Batas, partikular sa mga limitasyon sa pagsasampa ng impeachment at sa wastong proseso na dapat sundin ng Kamara.
Dahil dito, tuluyan nang pinawalang-bisa ang impeachment proceedings laban sa bise presidente.