Pumanaw na si Estrella "Inday" Barretto nitong Huwebes, Enero 29, 2026.
Si Inday, 89, ay ina ng mga aktres na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.
Kinumpirma ni Joaquin, kapatid ng tatlong aktres, ang pagpanaw ng ina sa isang Facebook post kalakip ang bagong profile picture na may kandila.
"Rest in peace, mom. I love you," ani Joaquin.
Bago ang pagpanaw ng ina, base rin sa mga nakaraang post ni Joaquin, nasa ospital si Inday at hindi na raw maganda ang kalagayan.