Matapos ang isinampang reklamong torture at serious illegal detention ng driver ng Kapuso star na si Rhian Ramos laban sa kaniya, sa kaibigang kapwa Kapuso star at beauty queen Michelle Dee, at isa pang beauty queen Samantha Panlilio, tila nabunyag daw ang intrigang hiwalay na sina Rhian at boyfriend na si Sam Verzosa at kung sino naman ang bagong nagpapatibok sa puso ng aktres.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa panayam nila sa presidente ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Arsenio “Boy” Evangelista nitong Huwebes, Enero 29, 2026, na tumutulong kay alyas "Totoy" (pangubling pangalan sa driver ni Rhian), isa raw sa mga naging dahilan kung bakit umano'y nagalit nang husto si Rhian sa personal driver, ay dahil umano sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng driver sa kaniyang "ex-boyfriend" at pagbibigay ng ilang mga impormasyon tungkol sa kaniya.
Kuwento raw ng driver, nakakausap pa raw niya si Sam na umiiyak daw sa hiwalayan nila ni Rhian, at laging naghahabilin sa kaniyang alagaan ang amo at pagsabihan.
Inilarawan daw ng driver si Sam bilang "mabait," at nang matanong kung kasama ba siya sa mga umano'y nanakit, sinabi ng driver na hindi raw.
Nabanggit din sa ulat, batay raw sa pahayag ni Evangelista na, isang "vlogger na parang nagkasakit" ang umano'y bagong pumalit kay Sam sa puso ni Rhian.
Nabanggit sa ulat ng PEP, na umano'y nadadamay sa usapin ang Filipino-American vlogger na si Wil Dasovich.
Batay raw sa deskripsyon ni Evangelista, nagma-match ito sa umano'y bagong karelasyon ng aktres.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Wil tungkol sa ulat na ito ng PEP, at pang-iintriga sa kaniya kay Rhian.
Kaugnay na Balita: Rhian Ramos, Michelle Dee inireklamo ng umano'y illegal detention; abogado, nagsalita!