Kapag ikaw ay humahanap ng magiging jowa, ano ang una mong tinitingnan? Katalinuhan? Kagwapuhan o kagandahan? Kayamanan? o ang disente at maayos na pananamit?
Tila naging biktima ng kasabihang “looks can be deceiving” ang isang anonymous netizen matapos siyang magkaroon ng isang jowang ubod ng dugyot.
Ayon sa viral post na ibinahagi ng isang anonymous sender sa pahinang “Ambenture Y Stories,” sa una ay hindi mo aasahang may hindi umano kaaya-aya sa lalaking napili niya.
“Please call me Barbie, 20 years old, isang college student sa Bacolod. Nakilala ko ang ex ko na si Aaron, 21, sa University. Pareho kaming galing sa disenteng pamilya at pareho ring sanay magbitbit ng laptop imbes na drama. Una sa lahat siya ang first boyfriend ko at una sa lahat lahat,” panimula ni Barbie.
“Sa unang tingin niya, mukha siyang maayos promise gwapo siya, malinis ang itsura, maingat magsalita at hindi bad boy o loko loko. Kaya never kong inisip na may madidiskubre akong hindi kaaya-aya sa kanya,” dagdag pa niya.
Pag-amin ni Barbie, umabot pa nga sa isang (1) taon ang tinagal ng kanilang relasyon.
“Umabot ang relationship namin ng one year, naging madalas ang pagpunta ko sa boarding house niya malapit sa campus. Malinis naman yung lugar, maayos ang kwarto, may konting kalat lang na pang-estudyante. Nothing alarming hanggang sa dumating ang mga sandaling mas nagiging intimate na kami sa isa't isa. Yes mahal ko siya noon, kaya sinuko ko na,” pagkukuwento niya.
Matapos daw noon, napansin niya ang tila hindi akmang amoy ng isang lalaking mukhang maayos naman sa kaniyang panlabas. Aniya, inakala raw niyang pagod lamang ito bunsod ng stress dahil “Finals Week” nila.
“Pero hindi, kahit hindi siya stress ganun parin ang amoy. One time, napansin ko mismo ang brief niya may spot sa likod hindi ko na idedetalye, alam kong hindi niya pa pinapalitan ang brief niya,” anang babae.
Ani Barbie, maayos niyang kinausap ang jowa nang walang halong panlalait.
“Babe gaano ka kadalas nagpapalit ng underwear, curious lang?” tanong niya.
Pag-amin ng jowa niya, sinusuot daw nito nang ilang araw ang isang side ng brief, at babaliktarin ito para sa mga susunod na araw. Ang dahilan? Para daw makatipid sa tubig at labada.
Dagdag pa nito, praktikal daw kasi kung ganoon ang gagawin niya. Tila ba diskarte ng isang broke college student.
“Grabe yung flashback sa utak ko, yung habang may nangyayari samin. Para akong hihimatayin. Napatingin lang ako sa kanya dahil narealize ko na hindi lahat ng mukhang disente hindi lahat ng gwapo, malinis,” saad ni Barbie.
“Sinabi ko sa kanya na basic hygiene lang yung pagpapalit ng brief o paglalaba. Hindi ito pagiging maarte. Hindi ito sosyalera. Ito ay respeto sa sarili at sa partner.” dagdag pa niya.
Sa ‘di malamang dahilan, ayaw umanong makinig ng jowa niya, at pinanindigang normal daw iyon. Sinabihan pa siyang “sensitive” dahil sa kaniyang mga sinabi.
Dahil dito, naghiwalay silang dalawa. Paglilinaw ni Barbie, hindi raw “impulsive” ang kaniyang ginawa—kung hindi isang malinaw na desisyon bilang isang babaeng may “standards.”
“Sobrang nakakakilabot pag naaalala ko yung spot sa brief niya. 4 months na kaming hiwalay. At ngayon, inistalk ko siya sa FB nakita ko sa social media ang bago niyang girlfriend. Siya yung babaeng naninira sa akin before, sinasabing masyado raw akong maarte at feeling sosyal,” pagbabahagi pa niya.
“Tawang-tawa ako. Perfect match sila parehong okay sa kadugyotan, pareho ring allergic sa standards. Parehong okay sa bare minimum. Hindi ako bitter. Na-promote lang ako from tolerance to self-respect. Pareho silang komportable sa mababang pamantayan—samantalang ako, marunong lang pumili ng malinis na buhay,” pagtatapos niya.
Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 3.3k reactions, 140 shares, at 313 comments ang nabanggit na confession ng anonymous sender.
—
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.
Vincent Gutierrez/BALITA