Tila naloka ang aktres at TV host na si Anne Curtis matapos makabasa ng ilang impormasyon kaugnay sa napapaulat na pagkalat ng “Nipah virus” sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa ibinahaging social media post ni Anne kamakailan, ibinahagi niya ang pagkapraning at takot hinggil sa naturang virus.
“I was just reading about this. Afraid. #praningSiANNEing,” saad ni Anne sa kaniyang post.
Kalakip nito ang isang post mula sa ibinahaging social media update ng mamamahayag na si MJ Felipe kaugnay sa Nipah virus.
“Have you heard of NIPAH VIRUS?” panimula niya.
Giit niya, “Thailand, Taiwan, Hongkong have tighten their airport health screening and protocols after an outbreak in West Bengal in India occured.”
“What do you need to know about Nipah Virus? Is it deadly? And is the Philippines ready for this?” pagkuwestiyon pa niya.
Photo courtesy: Anne Curtis-Smith/X via Fashion Pulis
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang Nipah Virus ay isang seryoso at nakamamatay na sakit, kung saan tinatayang 40% hanggang 70% ng mga taong nagkakaroon nito ay namamatay.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ang kumakalat na ‘Nipah Virus’ sa iba’t ibang bansa?-Balita
Gayumpaman, base sa ulat ng Department of Health (DOH), hindi daw dapat mangamba ang mga Pilipino sa naturang virus. Anila, sapat umano ang kakayahan ng bansa upang tugunan ang posibleng banta nito.
MAKI-BALITA: Don't worry! Pilipinas, handa sa Nipah virus—DOH-Balita
Matatandaan noong taong 2014, nakapagtala na ang Pilipinas ng mga kaso ng Nipah virus sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Pinas, nananatiling Nipah virus-free – DOH-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA