Pinaratangan ni Vice President Sara Duterte na biased o may kinikilingan umano ang International Criminal Court (ICC).
Ito ay matapos pagpasyahan ng ICC na “fit to stand trial” ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay na Balita: Atty. Conti, ready na sa hearing ni FPRRD sa ICC
Sa panayam ng vlogger na nasa likod ng Facebook page na “Alvin & Tourism” nitong Miyerkules, Enero 28, sinabi niyang hindi umano korte ng hustisya ang ICC.
“Kung na-pre-judge na nila ang kaso ni Rodrigo Duterte, na-pre-judge na rin natin ang ICC as a biased political court. Hindi siya court of justice,” saad ni VP Sara.
Dagdag pa niya, “Sina-cite nila ang mga declaration sa aming family whether or not diyan nangyari sa 'Duterte Street' or sa ibang platform, sina-cite siya ng ICC.
Ayon sa Bise-Presidente, wala umanong legal na basehan para tanggihan ang pahayag mula sa pamilya ng akusado.
“Dapat factual ka kung ano ang makita mo roon sa kaso or sa circumstances surrounding the case,” ani VP Sara.
Nakatakdang ganapin sa Pebrero 26, 2026 ang pagdinig sa confirmation of charges ni Duterte, limang buwan makalipas ang orihinal na schedule noong Setyembre 2025.
Samantala, umapela naman ang kampo ng dating Pangulo matapos itakda ng ICC ang nasabing pagdinig.
Maki-Balita: Kampo ni FPRRD, aapela sa ICC matapos itakda ang confirmation of charges
Kaugnay na Balita: Confirmation of charges ni FPRRD, itatakda agad sakaling mapatunayang ‘fit to stand trial’—Conti