Pormal nang umabiso para sa unang pagpupulong ang House Committee of Justice para sa mga naghain at nag-endorso ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa parating na Lunes, Pebrero 2, 2026.
Ayon sa inilabas na kopya ng dokumento ng House Committee on Justice nitong Miyerkules, Enero 28, makikita ang ipinadala nilang notice of meeting para kina Atty. Andre De Jesus at kasama nitong mambabatas na si Rep. Jett Nisay na nag-endorso ng nasabing reklamo laban kay PBBM.
KAUGNAY NA BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!
Bukod sa naunang dalawa, pinadalahan rin ng nasabing Komite ang grupo ng Makabayan bloc na pinangungunahan ni Liza Largoza Maza, at mga mambabatas na sina Rep. Antonio Tinio, Rep. Sarah Elago, at Rep. Renee Co.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM
Photo courtesy: ACT Teachers Rep Antonio Tinio
Kaugnay nito, nakatakda umanong ganapin ang nasabing unang pagpupulong para sa impeachment complaint laban kay PBBM bandang 10:00 ng umaga sa Lunes, Pebrero 2, 2026.
Photo courtesy: ACT Teachers Rep Antonio Tinio
Inaasahang pangungunahan ng nasabing pagpupulong ni Batangas 2nd Representatives at House Committee of Justice Secretary General Cheloy Garafil.
MAKI-BALITA: Impeachment complaint vs PBBM, wala nang puwedeng humabol!—Garafil
MAKI-BALITA: 2 impeachment complaint vs PBBM, pag-atake rin sa administrasyon—Palasyo
Mc Vincent Mirabuna/Balita