January 28, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Suzette Doctolero, may death threat: 'Hindi ko alam saan galing ang mga baliw na taong ito!'

Suzette Doctolero, may death threat: 'Hindi ko alam saan galing ang mga baliw na taong ito!'
Photo courtesy: Suzette Doctolero (FB)/Freepik

Ibinahagi ng GMA headwriter at creative consultant na si Suzette Doctolero ang umano'y natanggap niyang pagbabanta sa kaniyang buhay, mula sa isang lalaking netizen.

Ipinost ni Suzette sa Facebook post niya nitong Miyerkules, Enero 28, ang screenshots ng larawan at profile ng nabanggit na lalaki.

Hindi na binanggit ni Suzette kung anong klaseng death threat at ano ang pinag-ugatan ng pagbabanta.

Sey ng headwriter, naka-lock na raw ang profile ng nabanggit na lalaki.

Tsika at Intriga

Michelle Dee, kinasuhan ng qualified theft ang driver ng kaibigang si Rhian Ramos!

Hindi raw niya kilala ang nagbabanta sa kaniyang buhay, aniya pa.

"May death threat sa akin. I dont know this guy. Most probably ay fake ang last name," aniya.

"Hindi ko alam saan galing ang mga baliw na taong ito. Naka locked na ang profile pero ive already took screenshots," saad pa niya.

Photo courtesy: Screenshot from Suzette Severo Doctolero/FB

Sa comment section, nagkomento naman si Miss Q&A Season 1 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia.

"Aalamin ko sino yan..kasuhan natin maam Suzette Severo Doctolero," aniya.

Tugon naman dito ni Suzette, "Juliana Parizcova pls at mukhang maangas. Di ko raw siya pwede ipakulong at isang ataw lang ay makakalaya sya. Di ba? John Ronald Marcos."

Bukod kay Juliana, hinikayat naman ng mga netizen ang Encantadia writer na turuan ito ng leksyon, ipa-blotter sa barangay ang nabanggit na lalaki, o kaya, tuluyan nang sampahan ng reklamo.

Hindi pa nagbibigay ng updates as of this writing si Suzette kung ano ang next step niya laban sa nabanggit na netizen.