Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Sultan Kudarat nitong Miyerkules ng gabi, Enero 28, 2026.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Kalamansig, Sultan Kudarat ang magnitude 4.3 na lindol bandang 8:20 PM, na may lalim na 8 kilometro.
Bukod dito, naitala ang intensity II sa Kalamansig at Lebak, Sultan Kudarat.
Samantala, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.