Sinagot ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang umano’y naging pahayag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na nasa ilalim ng “de facto martial law” ang Pilipinas.
KAUGNAY NA BALITA: 'Pinas, nasa de facto Martial Law kahit walang opisyal na deklarasyon!'—Rep. Leviste
Ayon sa naging panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay Remulla noong Martes, Martes, Enero 27, sinabi niyang dapat daw na harapin muna ni Leviste ang mga personal niyang problema.
“That is a red herring. He’s facing so many problems that he’s trying to obfuscate by saying more problems,” pagsisimula niya.
Depensa ni Remulla, aabot daw mula sa 500 hanggang 1000 ang bilang ng mga vloggers na nagsasabi ng hindi magagandang bagay tungkol sa Pangulo ngunit wala naman daw nababalitaan ang publikong hinuli ng mga awtoridad.
“There must be at least 500 to 1000 vloggers saying the most vitriolic things against the President. Have you heard about anyone being arrested? There’s none,” saad niya.
Binalikan din ni Remulla ang umano’y naging insidente sa pagitan ng mga raliyista at awtoridad sa Mendiola noong Setyembre 2025.
Nilinaw ni Remulla na agad nilang pinakawalan ang mga menor de edad na kanilang nahuli noon at idiniin niyang walang kaso ng mga namatay.
“Nag-rally sila sa Mendiola. Pinagbabato ‘yong mga pulis. Inarrest lang namin ‘yong kailangang arestuhin pero ‘yong mga bata, pinakawalan namin ‘yan. May namatay ba? Wala,” ‘ika niya.
KAUGNAY NA BALITA: Akbayan Partylist, kinondena karahasang nangyari sa Mendiola
Pagtutukoy muli ni Remulla kay Leviste, dapat daw nitong harapin muna ang tila gabundok nitong problema dahil niloko at lalo pa raw nitong niloloko ang gobyerno sa kasalukuyan.
“He has to face his problems. Stop saying that there are other problems, instead face your own. He has a mountain problem ahead of him. Selling that franchise, selling whatever he sold.”
“Niloko niya ang gobyerno at lalo niyang niloloko ngayon. So, harapin niya muna niya problema niya,” aniya.
Pagpapatuloy ng kalihim, niloko rin daw ni Levista pati ang buong Pilipinas dahil sa umano’y hindi nito pagtupad sa kontra ng binuo niyang kompanya matapos kumita ng ₱24 bilyon.
“Harapin niya problema niya, ‘di ba? Niloko niya ang Pilipinas. Kumuha siya ng prangkisa [tapos] kumita siya ng 24 billion tapos wala siyang tinupad. Ano ba naman ‘yon?” pagtatanong niya.
“Harapin niya muna problema niya bago ‘yong iba. Inaresto ba siya? Hinarass ba siya? Wala naman ‘di ba?” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Leviste kaugnay rito.
MAKI-BALITA: May multa pang ₱24B? Kontrata ng Solar Philippines ni Leviste, terminated sa DOE!
Mc Vincent Mirabuna/Balita