January 28, 2026

Home SHOWBIZ

'She fought harder than I did!' Baby ni Bea Borres, nakalabas na ng NICU

'She fought harder than I did!' Baby ni Bea Borres, nakalabas na ng NICU
Photo courtesy: Bea Borres/FB


Maluha-luha man, masayang pa ring ibinahagi ng social media personality na si Bea Borres na sa wakas ay makakauwi na ang kaniyang sanggol na si “Pea,” matapos nitong ma-confine sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU).

Sa ibinahaging social media post ni Bea noong Martes, Enero 27, ibinunyag niyang umabot sa 44 na araw sa loob ng NICU ang kaniyang anak.

“[I]f you think [I]’m strong, my baby Hopea is stronger, she fought harder than I did!!” saad ni Bea sa kaniyang post.

Dagdag pa niya, “[A]fter 44 days in the [NICU], Pea is finally going home.”

Bagama’t hindi ipinakita ang mukha, ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinapubliko ni Bea ang kaniyang anak. 

Photo courtesy: Bea Borres/FB

Sa hiwalay na post ng social media personality, pinasalamatan niya naman ang mga taong nagpaabot ng regalo sa kaniyang baby.

“[N]esting part 2!! almost everything is a gift, so thank you so much po to everyone who gave gifts to my Hopea,” anang social media personality.

Photo courtesy: Bea Borres/FB

Matatandaang kinumpirma ni Bea ang kaniyang pagdadalantao noong Agosto 2025.

MAKI-BALITA: Bea Borres, kumpirmadong buntis!-Balita

Noon namang Nobyembre 2025, si Bea ay nagbahagi ng isang dasal bunsod ng kaniyang “high-risk pregnancy.”

“So I have high-risk pregnancy kasi. Lord, just make my baby healthy […] kasi […] hindi na ako magiging malandi, ‘cause this is so hard!” ani Bea sa kaniyang post.

MAKI-BALITA: 'Hindi na ako magiging malandi!' Bea Borres, may dasal dahil sa high-risk pregnancy-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA