January 28, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rhian Ramos, Michelle Dee inireklamo ng umano'y illegal detention; abogado, nagsalita!

Rhian Ramos, Michelle Dee inireklamo ng umano'y illegal detention; abogado, nagsalita!
Photo courtesy: Michelle Dee (IG)

Kumakalat ang mga ulat at balitang inireklamo ang magkaibigang Kapuso stars na sina Rhian Ramos at Michelle Dee ng umano'y illegal detention ng driver ng una, na inihain daw ng complainant sa National Bureau of Investigation (NBI).

Pinabulaanan naman ng dalawang aktres ang illegal detention sa nabanggit na driver, sa pamamagitan ng legal counsel nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na ipinadala naman sa editor at showbiz writer ng isang lokal na pahayagan, na si Jun Lalin.

Ayon sa abogado, wala raw naganap na ilegal na detention sa driver ni Rhian, na residente ng condominium unit kung saan nakatira sina Ramos at Dee.

Sa kabilang banda, nagsampa raw noon ng kasong qualified theft si Dee laban sa nabanggit na driver, bagay na inamin naman daw ng driver ang ginawa at isinauli ang mga gamit na kinuha mula sa beauty queen-actress.

Tsika at Intriga

Michelle Dee, kinasuhan ng qualified theft ang driver ng kaibigang si Rhian Ramos!

Naniniwala raw ang kampo ng dalawa na ang isinampang reklamong illegal detention ay puwedeng pantapat lamang sa kasong qualified theft na nauna nang isinampa kontra sa kaniya.

Nagsalita rin ang legal counsel dahil daw sa pagpapa-interview ng complainant sa ilang miyembro ng media patungkol sa pagsasampa niya ng reklamo. 

Pormal at opisyal na sasagutin daw ng magkaibigan ang tungkol dito kapag nakatanggap na sila ng mga dokumento mula sa NBI.