January 29, 2026

Home BALITA

PBBM, bumwelta sa bashers: 'Sumobra pagka-excited n'yo, andito pa 'ko!'

PBBM, bumwelta sa bashers: 'Sumobra pagka-excited n'yo, andito pa 'ko!'
Photo courtesy: via PCO

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patuloy siyang gumaganap ng kanyang tungkulin sa kabila ng kanyang naging kondisyon sa kalusugan matapos siyang ma-diagnose ng “diverticulitis.”

Sa kaniyang video na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO)  nitong Miyerkules, Eero 28, 2026, pinawi ng Pangulo ang pangamba ng publiko kaugnay sa kanyang kalusugan at iginiit na maayos ang takbo ng pamahalaan.

“Sumobra naman pagka-excited n'yo, andito pa 'ko I'm running the government. We're doing everything that needs to be done,” pahayag ni Marcos.

Dagdag pa niya, “Walang patid ang ang trabaho ng gobyerno.”

Metro

Lagot! BFP, iniimbestigahan mga nandekwat umano ng alak sa nasunog na supermarket sa QC

Ang diverticulitis ay isang kondisyon kung saan namamaga o naiimpeksiyon ang maliliit na pouch o diverticula sa lining ng bituka, karaniwang sa large intestine. Karaniwan itong ginagamot sa pamamagitan ng pahinga, gamot, at pansamantalang pagbabago sa pagkain gaya ng liquid o soft diet, depende sa tindi ng kondisyon.

Batay sa mga naunang pahayag ng Malacañang, sumailalim si Pangulong Marcos sa medical evaluation matapos makaranas ng abdominal discomfort, subalit tiniyak ng kanyang mga doktor na ang kondisyon ay manageable at hindi nagdudulot ng seryosong banta sa kanyang kalusugan.

Nilinaw rin ng Palasyo na patuloy na mino-monitor ang kalagayan ng Pangulo at wala umanong naging hadlang ang kanyang kondisyon sa pagpapatupad ng mga mahahalagang gawain ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ayon kay Marcos, balik na siya sa normal na trabaho habang patuloy na sinusunod ang payo ng kanyang mga doktor upang tuluyang makarekober.