January 28, 2026

Home SHOWBIZ

MC, Lassy ‘di magagalit sakaling palitan sa ‘It’s Showtime’

MC, Lassy ‘di magagalit sakaling palitan sa ‘It’s Showtime’
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT), It's Showtime (FB)

Tila bukas ang mga komedyanteng sina MC Muah at Lassy Marquez sa posibilidad na pwede silang mawala o palitan sa “It’s Showtime.”

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Martes, Enero 27, nausisa sa dalawa ang tungkol dito.

Pero sabi ni MC, “Siyempre, naisip din namin ‘yon na puwede kaming palitan. Pero hindi kami natatakot o magagalit. Kasi ‘yong kompanya, kailangang maka-survive dahil hindi lang kami ang sinuswelduhan. “

“Kung feeling nila, hindi na kami nakakatulong sa show, tatanggapin namin nang maluwag. Promise. Kasi, may iba pa naman kaming pinagkakaabalahan at nag-iipon naman kami,” dugtong pa niya. 

'She fought harder than I did!' Baby ni Bea Borres, nakalabas na ng NICU

Kaya naman tiniyak ni Lassy na hindi sila mamemerwisyo sakaling tanggalin sila ni MC sa naturang noontime show.

“At hindi kami mamemerwisyo ng iba na parang, ‘Uy, baka mayro’n ka naman diyan.’ Hindi, at least mayro’n kaming pangsarili,” saad niya.

Sa kasalukuyan, apat na taon nang regular host ng “It’s Showtime” sina Lassy at MC.