Malungkot na ibinahagi ng social media personality na si Bea Borres na isa umanong netizen ang nanlait sa kaniyang anak na si “Pea.”
Ayon sa Facebook post ni Bea nitong Miyerkules, Enero 28, mababasang natanggap umano ng kaniyang sanggol ang bashing hindi pa man lumilipas ang 24 oras o isang buong araw nang ito ay isapubliko niya.
“Not even 24 hours after my post, yet Pea already has a basher,” saad ni Bea sa kaniyang post.
Hiling tuloy ng social media personality sa kaniyang pamilya at mga kaibigang may kopya na ng litrato ng kaniyang anak, huwag daw sanang ipakalat ang litrato nito.
“[T]o my family and friends who have received pictures of my Hope, u know who you are. Ikalat niyo na lahat ng baho ko, but not pictures of my baby,” aniya.
“[M]ay we all have hope for this new year, but for now, this Hope is just mine. ty for all your blessings and good wishes,” pagtatapos niya.
Photo courtesy: Bea Borres/FB
Noong Martes, Enero 27, matatandaang masayang ibinahagi ni Bea na nakalabas na ng Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ang kaniyang sanggol, matapos ma-confine sa loob ng 44 na araw.
“[I]f you think [I]’m strong, my baby Hopea is stronger, she fought harder than I did!! [A]fter 44 days in the [NICU], Pea is finally going home,” saad ni Bea sa kaniyang post.
MAKI-BALITA: 'She fought harder than I did!' Baby ni Bea Borres, nakalabas na ng NICU-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA