January 28, 2026

Home BALITA Politics

'Execute a statement!' Abogado, nanawagan ng tulong kay Sen. Imee para ma-impeach si PBBM

'Execute a statement!' Abogado, nanawagan ng tulong kay Sen. Imee para ma-impeach si PBBM
Photo Courtesy: via MB

Umapela ng tulong si Atty. Andre De Jesus kay Sen. Imee Marcos para maisakatuparan ang impeachment complaint na inihain nila laban sa kapatid nitong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Si De Jesus ang abogadong kasama ni House Deputy Minority Leader Pusong Pinoy Party-List Rep. Jett Nisay sa paghahain ng kauna-unahang impeachment complaint laban sa Pangulo.

Maki-Balita: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Kaya sa latest episode ng “Morning Matters” ng One News nitong Miyerkules, Enero 28, sinabi niyang dapat umanong tumestigo at maglatag ng mga ebidensiya si Sen. Imee.

Politics

Sen. Bato, 'di pa rin nagparamdam sa Senado—SP Sotto

“Manang Senator Imee, ‘wag n’yo pong batikusin ang aking ginagawa. Bagkus, tulungan n’yo ako,” saad ni De Jesus.

Dagdag pa niya,”If what you’re saying is true, that your brother uses or is worse addicted to prohibited drugs, then please execute a statement under oath on pain of perjury to the effect.”

Matatandaang isiniwalat ni Sen. Imee sa kasagsagan ng kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) noong Nobyembre 2025 ang tungkol sa umano’y paggamit ng droga ni Pangulong Bongbong. 

Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na gumagamit diumano ng droga si PBBM

Bagama’t kapuwa pinabulaanan na ng Malacañang at ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang akusasyong ito, tila nanatili na itong mantsa sa reputasyon ng Pangulo.

Maki-Balita: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

Maki-Balita: Sandro sa paratang ni Sen. Imee sa 'drug addict' umano si PBBM: 'Hindi ito asal ng isang tunay na kapatid'