January 28, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ex-jowa ni Klea Pineda, may karelasyon na rin?

 Ex-jowa ni Klea Pineda, may karelasyon na rin?
Photo Courtesy: Klea Pineda (IG), Screenshot from TikTok

Tila may namumuong ugnayan sa pagitan nina model-influencer Katrice Kierulf at social media personality Chezka Carandang.

Batay sa mga lumulutang na social media post, naispatan umanong magkasama ang dalawa sa isang wine-bar resto na matatagpuan sa Makati. 

Bukod dito, nakita rin ng eagle-eyed netizens na ni-like at kinomentuhan pa ni Chezka ang isang Instagram story ni Katrice ng “cute.”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Rudy Baldwin 2 beses nanalo ng jackpot sa lotto; winning numbers, nakita sa 'vision!'

"layagggg sana hindi lang fan service to hahahahaha"

"pls pls sana mapanaguatan niyo kilig namin!!+"

"kilig to the bone aaaaaaahhhhh"

"hahaha npafollow ako bgla ...kung saan man ang dulo ni2 , aabangan ko ang bwat episode hehehe"

"Successful ang pag shi ship "

"Awww hihi dasurve ng mga nasaktan ng makahanap ng loyal tulad nila kmi ng bf ko same nasaktan same nag ka trauma sa love pero mag 3 yrs na kami "

"So excited for this two lovable person"

Matatandaang kapuwa galing sa failed relationship sina Katrice at Chezka. Bago matapos ang 2025, humabol sa hiwalayan sina Chezka at fiancée niyang si Claire Inso.

Samantala, Hulyo 2025 naman nang emosyunal na aminin ni Kapuso actress Klea Pineda sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na tinuldukan na nila ni Katrice ang kanilang relasyon. 

Kaugnay na Balita: Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf-Balita