January 28, 2026

Home BALITA Probinsya

Dalagitang nagbalak magnakaw sa sari-sari store, tsinugi ng senior citizen!

Dalagitang nagbalak magnakaw sa sari-sari store, tsinugi ng senior citizen!

Nasawi ang isang dalagita matapos barilin ng isang senior citizen na may-ari ng sari-sari store na umano’y pinagtangkaan nitong pagnakawan sa bayan ng Pototan, Iloilo.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente matapos makarinig ng ingay ang may-ari ng tindahan. Ayon sa senior citizen, may narinig umano siyang nagbubukas ng bintana ng kaniyang tindahan.

Depensa ng suspek, nang kaniya raw subuking komprontahin ang dalagita ay tinangka umano siyang hampasin ng dos-por-dos, dahilan upang barilin niya ito.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival matapos magtamo ng tama ng bala sa dibdib.

Probinsya

₱600k na pondo ng barangay, ipinang-scatter ng brgy. treasurer!

Tumangging humarap sa kamera ang suspek at iginiit na hindi niya nakilala ang dalagita na kapitbahay lamang umano nila. Ayon pa sa kaniya, wala siyang intensyong patayin ang biktima.

Samantala, mariing itinanggi ng mga kaanak ng dalagita na sangkot ito sa anumang pagnanakaw, at sinabing wala umanong rekord ng ganitong insidente ang biktima. 

Lumalabas din sa kanilang pahayag na posibleng may nag-utos umano sa dalagita na pumasok sa tindahan.

Nahaharap ngayon sa kasong homicide ang senior citizen habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.