Isang babae ang nagtamo ng mga sugat matapos mabundol ng isang ambulansya sa Batasan-San Mateo Road, Quezon City noong Lunes ng umaga, Enero 26.
Ayon sa mga ulat, nag-counterflow ang ambulansya bunsod ng mabigat na trapiko, na may ihahatid din palang pasyente sa isang pagamutan.
Base pa sa mga report, nagpagulong-gulong ang babae dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo rito ng ambulansya.
Matapos mapag-alamang nakabangga, dali-dali namang tumigil ang ambulansya—na siya ring nagdala sa babae sa ospital upang mabigyan ng lunas.
Sinagot naman ng nasabing drayber ang pagpapagamot ng babae, na wala naman din daw planong magsampa ng anumang reklamo.
Vincent Gutierrez/BALITA