January 28, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga lugar sa bahay n'yo na tinatambayan ng mga multo!

ALAMIN: Mga lugar sa bahay n'yo na tinatambayan ng mga multo!
Photo courtesy: Freepik

Naranasan mo na ba ang pakiramdam na may kung anong bigat sa hangin sa loob ng bahay ninyo o bahay ng iba, na parang may matang nakamasid kahit wala namang ibang tao?

Sa bawat paglangitngit ng sahig at paggalaw ng kurtina, tila may presensiyang hindi maipaliwanag. Biglang lumalamig ang paligid, kahit sarado ang mga bintana, at ang katahimikan ay nakabibinging nakakapangilabot.

May sandaling pakiramdam mo’y hindi ka nag-iisa, na may kasabay kang humihinga sa dilim, at sa kabila ng pilit na pagwawalang-bahala, naninindig ang balahibo sa tuwing mapapalingon ka, dahil ramdam mong may multong nananahan sa bahay na iyon.

Usap-usapan sa social media platforms, lalo na sa TikTok, ang clips ng panayam ni Madam Kring Kim sa psychic na si Bong Lozano sa kaniyang podcast na "Think Talk Tea."

Human-Interest

KILALANIN: Si Maria Ozawa, ang promotor ng ‘Mariang Palad’

Noong Disyembre 2025 pa ang nabanggit na panayam subalit patuloy pa rin itong pinag-uusapan ng mga netizen, dahil tila naka-relate ang mga tao sa usaping multo, panghuhula, at pamahiin.

Sa dami ng mga nabanggit na karanasan ni Bong, isa sa mga tumatak ay ang nasabi niyang lugar sa isang bahay kung saan naglalagi o tumatambay ang mga multo, lalo na kung sila ang may-ari nito, o nag-iwan sila ng marka dito noon pang nabubuhay sila.

Nang matanong ni Madam Kring kung saang bahagi ng bahay madalas nagpupunta ang mga multo, ayon kay Bong, ito raw kitchen o kusina at comfort room o palikuran/banyo.

"I suppose [dahil sa] water?" tanong ni Madam Kring.

"Yes, saka parang ano 'yon eh, portal 'yong CR eh. And karamihan ng mga spirits, mas gusto nila sa kitchen. Kasi mas... kahit 'yong mga pinupuntahan kong wake, sinasabi ko lagi, 'Yong asawa mo, lagi siyang nandidiyan sa dining table n'yo," sagot naman ni Bong.

Kuwento pa ni Bong, isang kaibigan daw ang nasabihan niyang ang namatay nitong asawang namatay nang biglaan ay hindi pa raw nagta-transition o hindi pa raw nakakaalis ang kaluluwa sa bahay nila, kahit nailibing na ang mga labi nito.

Sumang-ayon naman daw ang kaibigan niya dahil naramdaman daw niyang tinutulungan pa rin siya ng namatay na asawa pagdating sa pag-aasikaso ng iba't ibang papeles.

Tinanong daw siya ng kaibigan kung nasaan daw ang kaluluwa ng namayapang asawa.

Sagot ni Bong, "Nandiyan siya sa terrace n'yo, kung gusto mo siyang makausap, magpatulong ka ng detalye, doon ka pumwesto."

Nabanggit din ni Bong na nakita rin niyang laging nasa kitchen ang asawa ng kaniyang kaibigan noong nabubuhay pa ito; kaya naman, nang mamatay ito, ang kaluluwa nito ay lagi ring nakatambay sa kitchen, partikular sa dining area.

Naipaliwanag din ni Bong na hindi raw kinakain ng mga multo ang mga inaalay na pagkain para sa kanila sa altar, na madalas ginagawa kapag Araw ng mga Patay, paggunita sa ika-40 araw ng kamatayan, o death anniversary.

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Naniniwala Ako Jan, sa Cr sa dating tinirhan ko always lagi na lng may palabas at papasok na dimo nakikita."

"Kaya Pala lagi my asin sa Cr ng Lola ko noon...tas palagi nilalagyan Ang bowl esp.pag martes at byernes."

"True po sa dining table naka upo ang pinsan ko...she invited me to take a seat..."

"Lagi nalang sa CR experience ko elem/HS/College and sa ibang place hahaha."

"kaya pala sa kusina minsan malamig arm ko or legs"

"nasa Cr talaga mararamdaman mo sila sa unang buhos mo pag maliligo ka.."

Ikaw, may karanasan ka na ba sa mga multo sa bahay n'yo?