January 27, 2026

Home BALITA

Tarriela sa ‘di paggamit ng PCG ng water canon vs. CCG: ‘Ito ay pagpapakita ng propesyonalismo!’

Tarriela sa ‘di paggamit ng PCG ng water canon vs. CCG: ‘Ito ay pagpapakita ng propesyonalismo!’
Photo Courtesy: Jay Tarriela, Robin Padilla (FB)

Sumagot si Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Jay Tarriela sa tanong ni Sen. Robin Padilla kaugnay sa hindi pagganti ng PCG sa pamiminsala ng China Coast Guard (CCG).

“Matagal ko nang sinabi na may budget naman ang coast guard, ba't hindi kayo bumili ng mas malakas na water canon at gumanti kayo?” saad ng senador.

Ngunit sa X post ni Tarriela noong Lunes, Enero 26, sinabi niyang pagpapakita umano ng propesyonalismo ang hindi pagganti ng PCG sa agresyon ng China.

“Hindi ito dala ng karuwagan subalit ito ay pagpapakita ng kanilang propesyonalismo at pag-unawa sa kung ano ang mas strategic action against China's bullying behavior,” saad ni Tarriela.

Metro

Nangotong na traffic enforcer sa Maynila, sinibak sa puwesto!

Ayon sa PCG spokesman, naghahanap lang umano ang China ng paraan upang maibuntong sa Pilipinas ang sisi hinggil sa tumataas ng tensyon sa West Philippine Sea. 

“The moment we use our water cannons, the Chinese Coast Guard may have a justification to increase their aggression to the next level,” paliwanag ni Tarriela.

Dagdag pa niya, “Maaaring mas mataas na tensyon ang kanilang susunod na gawin at isisi sa atin ang kanilang aggressive response.”

Bukod dito, iginiit din ni Tarriela na ang silbi ng water cannons ay para makapagligtas ng buhay; hindi para makapanakit ng kapuwa at makapanira ng barko.