January 27, 2026

Home BALITA Metro

Simbahan sa Tondo, idedeklara nang minor basilica sa Mayo 11

Simbahan sa Tondo, idedeklara nang minor basilica sa Mayo 11

Nakatakda nang ideklara bilang minor basilica ang isang simbahan sa Tondo, Maynila.

Nabatid na ang deklarasyon ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo bilang isang minor basilica ay isasagawa dakong alas-2:00 ng hapon, sa Mayo 11.

Sa social media post ng naturang Tondo church, nabatid na ang solemn eucharistic celebration para sa naturang aktibidad ay pangungunahan mismo ni Apostolic Nuncio to the Philippines Charles John Brown, DD, kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Inanyayarahan din nito ang mga mananampalataya na lumahok sa naturang mahalagang aktibidad.

Metro

Airport staff, arestado matapos mag-bomb joke sa NAIA Terminal 3

“Let us come together as one people of God to celebrate this historic moment of grace, deepened devotion, and renewed mission under the loving guidance and protection of the Santo Niño,” anito pa.

Matatandaang ang naturang titulo ay una nang iginawad ni Pope Leo XIV, sa pamamagitan ng Papal Decree na may petsang Nobyembre 9, 2025, sa Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo.

Ang isang simbahan ay kinikilala bilang isang minor basilica kung ito ay mayroong mahalagang historical, architectural o spiritual importance.Itinatag noong 1572, ang naturang Tondo Church ay tahanan ng Santo Niño de Tondo, ang ikalawang pinakamatandang imahe ng Santo Niño sa Pilipinas.

Ang pista nito ay taunang ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Enero.