January 27, 2026

Home BALITA

Senior citizen na halos 2 dekada nang tumataya sa lotto, pumaldo!

Senior citizen na halos 2 dekada nang tumataya sa lotto, pumaldo!
PCSO

Pumaldo ang isang senior citizen mula sa Sorsogon matapos manalo ng ₱14.4 milyon sa Mega Lotto 6/45 na binola noong Enero 2, 2026.

Sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office kamakailan, kinubra na ng lucky winner ang kaniyang premyo, na halos dalawang dekada nang tumataya sa lotto.

Ayon sa PCSO, halos dalawang dekada na rin tinatayaan ng lucky winner ang mga numerong 44-21-19-10-18-11. 

"The recent win marked a long-awaited breakthrough for the senior citizen, who shared that patience and perseverance defined his journey as a lotto player. What began as a simple routine eventually paid off over the years, affirming the belief that persistence can sometimes make all the difference," anang ahensya.

Probinsya

Pikon dahil sa pagpindot ng doorbell, namaril ng Grade 12 students!

Samantala, gagamitin ng lucky winner ang kaniyang premyo sa pagtatayo ng maliit ng negosyo, partikular isang maliit na sari-sari store.