Nilinaw ng kampo ni Raymart Santiago ang naging matinding paratang ng estranged wife na si Claudine Barretto na siya ang nasa likod ng umano'y pagtangay ng personal assistant sa mga anak na sina Sabina, Noah, at Quia noong Enero 24.
Matatandaang naging usap-usapan ang pagsasagawa ng Facebook Live ni Claudine kung saan binigyan niya ng 15 minutong ultimatum ang personal assistant na si "Marisol" para ibalik sa bahay ang mga anak.
May binabanggit din si Claudine na isang taong aniya'y nasa likod nito at umano'y nais siyang mamatay.
"This is not a joke," paglilinaw pa ni Claudine. "This is very serious. Marisol, ibalik mo ang mga anak ko dito, kanina ka pa dapat nasa Katipunan [Quezon City]. Inaantay ka na ng NBI dito."
Inakusahan din ni Claudine ang ilang fans at supporters na umano'y nakipagkuntsabahan sa PA, at ilan din ang umano'y sumira sa kaniyang tiwala at privacy. Hindi naman malinaw kung ano ang tinutukoy ni Claudine tungkol dito, ngunit sinasabi niyang ginagamit daw ng PA at grupo ang pangalan niya at mga anak niya para sa umano'y slandering at extortion ng pera sa iba pang fans.
Isang hindi pinangalanang tao naman ang pinagbantaan ni Claudine, na aniya, nais siyang mamatay dahil ayaw niyang bumalik sa kaniya.
"And you, you know who you are, hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo ako mabaliw o mapatay. Nanay ako ng mga anak mo! If anything happens to me, especially sa fiesta ng GenSan, alam n'yo na po, dalawang tao lang ang gumagalaw," aniya, na hindi niya tinukoy kung sino.
Dismayado raw siya sa ilang fans niya na tila takot na takot daw sa tinutukoy niyang tao, na kung tutuusin, wala raw power over sa kaniya.
"And this person is in connivance with someone who wants me dead. Hindi ho ito biro," aniya pa.
"At ikaw," saad pa niya sa taong tinutukoy na aniya'y nasa likod ng mga pangyayari. "Malalaki na ang mga anak ko. Magkita tayo sa VAWC. You want me dead? Dahil hindi kita binabalikan? Bring it on, bring it on. Multuhin ka sana ng nanay at tatay mo," anang Claudine.
Ngunit hindi pa rito natapos ang mga rebelasyon ni Claudine. Sa isa pang social media post, makikita naman ang screenshot ng post nga anak niyang si Sabina, na tila hinihikayat ang tinawag na Ate Sol na sumuko na sa mga awtoridad.
Mababasa sa umano'y post ni Sabina, "Ate Sol, please surrender yourself to the authorities. You took Noah, Quia, and I. Now you are hiding. The authorities are looking for you in the village. How could you do this to us."
"You do anything bad to ANY OF MY CHILDREN MAGTAGO KA NA! Simula palang to. @marisol0125 masisira buhay mo promise! I AM A MOTHER!! yan ang pinakamali mong ginawa! WAG MGA ANAK KO! CLAUDINIANS AT RYCB KO AT HIGIT SA LAHAT WAG AKO SOL!!!!" reaksiyon naman dito ni Claudine.
Panghuli, ibinahagi naman ni Claudine ang isang notarized document ng promissory note na ginawa umano ni Sol, para bayaran ang umano'y utang nito sa kaniya, na aabot ng ₱5,000,000, na babayaran sa dalawang hulog.
Nangyari ito noon pang 2023 batay sa petsa ng notaryo.
Mababasa naman sa post ni Claudine, "Pinatawad kita sa pang nanakaw mo.pero etong ginawa nyo MAGBABAYAD KAYO!!!PAREHO KAYO!!!"
Kaugnay na Balita: 'Ibalik mo mga anak ko!' Claudine Barretto, inakusahan ng umano'y kidnapping ang PA niya
Ngunit kalaunan, naibalik din naman kay Claudine ang mga anak. Siya mismo ang nagsabing safe and sound sila at hindi na rin siya nagbigay ng kahit na anong detalye tungkol sa ipinaparatang niyang kidnapping.
Kaugnay na Balita: Safe na! Mga umano'y 'kinidnap' na anak ni Claudine, nakabalik na sa kaniya
Sa pamamagitan naman ng "Fast Talk with Boy Abunda" noong Lunes, Enero 26, nilinaw ng kampo ni Raymart na walang kinalaman ang aktor sa alinmang paratang ni Claudine.
"There is no truth to any of the allegations made by [Claudine Barretto], both in the past and recently, more so, our client is not in any way or form involved in the kidnapping incident of his children with Ms. Barretto, if there is indeed any,” pahayag ng legal counsel ni Raymart.
“While painful and difficult, our client actively refrains from further addressing, dignifying, or responding to any of these statements as deference to the Gag Order issued by the court, which remains in full force and effect to this day. Our client respects the court and has faith that justice and truth will prevail in time, dagdag pa.
Nagpaalala rin ang abogado kay Claudine na huwag gamitin ang impluwensya, media, at iba pang platform para sirain ang pangalan at reputasyon ng sinuman, lalo na si Raymart.
"We would also like to remind Ms. Barretto to refrain from weaponizing her influence, the media, and other platform in discrediting the name and reputation of anyone, especially our client."
"We also plead for the public to be more critical and discerning on their comments about the parties, especially when it involves private and sensitive family matters," saad pa.