Mainit na tinanggap ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si People's Republic of China to the Republic of the Philippines Ambassador Jing Quan sa naging personal na pagbisita nito sa Davao City Hall.
Ayon sa mga ibinahaging larawan ng Facebook page ni Duterte nitong Martes, Enero 27, 2026, makikita ang naging pagbisita ni Quan sa Davao City noong Lunes, Enero 26, kung saan mainit siyang tinanggap ng alkalde.
“Mayor Sebastian Z. Duterte welcomes His Excellency Jing Quan, Ambassador of the People’s Republic of China to the Philippines, on Monday, January 26, in Davao City,” mababasa sa simula ng caption ng nasabing post.
Screenshot mula sa FB post ni Duterte.
Anila, magsasagawa ng dalawang (2) araw na pagbisita si Quan upang palakasin ang bilateral relation at local-level cooperation ng China sa Davao City.
“Ambassador Quan is in Davao City for a two-day visit to strengthen bilateral relations and local-level cooperation,” pagtatapos pa nila.
Kaugnay nito, matatandaang opisyal nang nanumpa na bilang bagong alkalde ng Davao City si Baste kasama ang pamangking si Rodrigo “Rigo” Duterte II bilang bagong vice mayor ng nasabing siyudad noong Enero 23, 2026.
MAKI-BALITA: Baste, Rigo Duterte nanumpa bilang bagong Mayor, Vice Mayor ng Davao City!
Pinangunahan nina Regional Trial Court (RTC) XI Deputy Executive Judge Honorable Marie Estrellita S. Tolentino-Rojas ang panunumpa nina Baste at Rigo.
Dumalo rin sa nasabing panunumpa ng mga opisyal sina Congressman Isidro Ungab, Department of the Interior and Local Government (DILG) Davao City Director Mika Chan, at Atty. Martin Delgra.
MAKI-BALITA: 'They kept replying!' Chinese Embassy, parang isang troll farm—Sen. Risa
MAKI-BALITA: Home arrow BALITA arrow National arrow 'Layas!' Sen. Erwin Tulfo, nanggigil sa mga opisyal ng Chinese Embassy
Mc Vincent Mirabuna/Balita