January 27, 2026

Home BALITA

Matapos itakda confirmation of charges ni FPRRD: Trillanes, natuwa para sa pamilya ng EJK victims

Matapos itakda confirmation of charges ni FPRRD: Trillanes, natuwa para sa pamilya ng EJK victims
Photo Courtesy: Antonio Trillanes IV (FB), ICC via MB

Nagbigay ng reaksiyon si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos ideklara ng International Criminal Court (ICC) na “fit to take part in pre-trial proceedings” si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa confirmation of charges kaugnay ng kaso nitong crimes against humanity.

Sa latest Facebook post ni Trillanes noong Lunes, Enero 26, sinabi niyang natutuwa umano siya para sa pamilya ng extrajudicial killings (EJK).

“Ako po ay natutuwa para sa mga pamilya ng mga biktima ng EJK na sa wakas ay matutuloy na rin ang confirmation of charges hearing ni Duterte sa Feb. 23,” anang dating senador.

 Dagdag pa niya, “Tuloy na tuloy na ang mahabang lakbay tungo sa hustisya.”

National

'We can expect more delaying tactics!' De Lima, binira si Kaufman sa pagiging 'fit to trial' ni FPRRD

Matatandaang naudlot ang unang confirmation of charges ni Duterte na nakatakda sanang mangyari noong Setyembre 23 hanggang Setyembre 26 dahil wala umano siyang kakayahang humarap sa paglilitis.

Kaugnay na Balita: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Ngunit ayon sa pinakabagong ulat ng mga independent medical expert na sumuri sa dating pangulo, lumilitaw na kaya umano niyang gampanan ang kaniyang “procedural rights.”

Nauna nang sinabi ni International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti na kung makukumbinse umano ng mga ulat ang mga hukom na ideklarang may kakayahan si Duterte na humarap sa paglilitis, ipagpapatuloy ang pagdinig sa confirmation of charges nito sa lalong madaling panahon.

Maki-Balita: Confirmation of charges ni FPRRD, itatakda agad sakaling mapatunayang ‘fit to stand trial’—Conti