Lumikha ng ingay mula sa netizens ang ginawang pagbisita ng dating Japanese adult-film actress na si Maria Ozawa sa tindahan ng negosyante at social media personality na si Boss Toyo.
Sa latest episode kasi ng “PP Stars Inc.” noong Lunes, Enero 26, sinubukang ibenta ni Maria ang kaniyang panty sa naturang tindahan, na aniya’y “lucky charm” niya.
MAKI-BALITA: Maria Ozawa, binenta suot na panty kay Boss Toyo; pinasinghot pa sa 'ilong ranger'-Balita
Hindi maikakailang matunog ang pangalan ni Maria Ozawa sa ating bansa, bunsod ng malaking impluwensya niya sa maraming mga Pilipino.
Pangunahing impormasyon ni Maria Ozawa
Si Maria Ozawa, o kilala rin sa stage name niyang “Miyabi,” ay isang former adult film actress na may dugong “Japanese” at “Canadian,” na isinilang noong Enero 8, 1986 sa Hokkaido, Japan.
Ang ina ni Maria ay isang haponesa, at ang ama naman niya ay isang French-Canadian.
Bata pa lamang ay nababad na si Maria sa iba’t ibang kultura, dala ng sari-saring pinagmulan ng kaniyang mga magulang.
Ang pagpasok ni Maria Ozawa sa mundo ng “adult film”
Nagsimulang pasukin ni Maria ang mundo ng adult film noong 2005, kung saan nakilala siya bilang isa sa mga pinakatanyag na aktres sa bansang Japan sa nasabing industriya.
Habang tumatagal, lumawak ang impluwensya ni Maria at mas lalo pa siyang nakilala hindi lamang sa bansang Japan, kung hindi maging sa buong mundo.
Matapos ang pag-arangkada niya sa industriya, mas lalo siyang hinangaan—partikular na ng mga kalalakihan, at patuloy din siyang lumitaw sa daan-daang pagganap.
Pagtatapos ng “adult film era” ni Maria Ozawa
Matapos ang ilang taon sa “adult film industry,” iniwan din ito ni Maria at tuluyang tumahak ng ibang landas.
Nagsimulang pasukin ni Maria ang “mainstream entertainment” kung saan nabigyan siya ng pagkakataong gumanap sa iba’t ibang mga palabas.
Maliban dito, nagbukas din siya ng negosyong may kinalaman sa clothing, food and restaurant, at maging sa cosmetic business.
Impluwensya ni Maria Ozawa sa Pilipinas
Dahil sa husay niya sa kaniyang mga pagganap, lubhang tumatak si Maria sa mga Pinoy, lalo na sa mga kalalakihan.
Madalas nga ay naiuugnay si Maria Ozawa sa kolokyal na salitang “Mariang palad,” na nangangahulugang pagsasarili o paglalabas ng katas.
Maliban dito, nabigyan din ng pagkakataon si Maria Ozawa na gumanap sa ilang Pinoy serye tulad ng Nilalang (2015) at Pulang Araw (2024), kung saan nakasama niya ang mga aktor na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Alden Richards, at David Licauco.
Hanggang sa kasalukuyan, sampung taon nang naninirahan at namamalagi sa Pilipinas si Maria Ozawa.
Umusbong man ang mga bagong aktres sa industriya ng “adult film,” hindi maikakaila ang markang iniwan doon ni Maria Ozawa—kung kaya’t binansagan din siyang “AV Idol.”
Vincent Gutierrez/BALITA
KILALANIN: Si Maria Ozawa, ang promotor ng ‘Mariang Palad’
Photo courtesy: Maria Ozawa/FB